Chapter 27 Resolve ZIE Isang buwan na ang nakalilipas matapos ang infiltration ng royal family ng bansang Old Silkwood sa Bloodstone Academy. Literal na akong hindi na nakakatanggap pa ng anumang tawag o text mula sa napakagaling kong guardian, napa-busy ata ng matanda este ng Lolo ko kaya hindi man lang niya ako napaglalaanan ng oras. Hindi ko tuloy nabanggit sa kanya ang napag-usapan namin ng isa kong nakalaban. Kailan kaya ako magkakaroon ng oras upang ipaalam sa kanya ang mga nalaman kong gagawin ng mga taga-Old Silkwood sa bansang 'to. May isa rin tanong ang nasa isip ko, kailan kaya ang susunod na pagpula ng buwan? Hindi ko pa kasi na-search sa internet ang tungkol sa bagay na 'yun. Mas lalong humigpit ang seguridad hindi lamang ng buong Academy, pati na rin ang buong bansa. Nag

