Chapter 26 One Nightbreak ZIE "Yay! Isang masarap na hotspring matapos ang matinding pakikipaglaban kanina." tatawa-tawang saad ni Ki habang nakatingin sa itaas na para bang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. Pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasan na matawa. May bendang nakalagay sa noo niya, may ilang gauze din na naka-patse sa mukha niya. May benda rin ang leeg niya. Mukhang napuruhan talaga siya. May ilang mababaw na gasgas sa dibdib niya. "Hindi ko talaga inasahan 'yung mangyayari kanina." mahinahon at kalmadong sabi ni Tom habang nakapatong ang braso sa malalaking bato sa gilid ng hot spring. Agad ko siyang nilingon. Balot na balot ng benda ang kanyang dibdib na mukhang nabalian ata. May mga benda sa kanyang mga braso. Napuruhan din talaga siya. Kami ng mga kaklase ko ay

