Chapter 25 Whims of Fate ZIE Mabilis niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay. Ilang sandali pa ay ang maliwanag na lugar kung saan ako kasalukuyang nakatayo ay unti-unting binabalot ng kulay itim na mahika. Parang itong hangin na hinihigop ng kanyang mga kamay. Halos manlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Kung kanina ay maliit na itim na bola ng enerhiya ang binuo niya, ngayong pangatlong paggamit niya nito ay mas malaki, malawak at makapangyarihan nito. Rinig na rinig ko ang tunog ng nagkikiskisang kuryente habang isa-isang nagbabagsakan sa sementadong lupa ang ilang piraso nito. "N-nani?!" gulat kong saad habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Napaisip ako, ano kaya ang ilalabas niya ngayon? Isang batalyon na ba ito ng mga sundalo na sinamahan ng mga umaalingasaw ng mga bangkay

