Chapter 24 Crippled Brain ZIE "Alam mo may napansin ako sa'yo. Bakit parang pagod na pagod ka kapag nag-cacast ka ng mga spells? Para bang, it taxes you a lot." nagtataka ngunit may halong pang-aasar na tanong ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa kanya habang dahan-dahan akong tumatayo. Mukhang nakapindot ako ng bingo. Bigla ko naalala ang training regime ko with Dex. Na ang una ko dapat na ginagawa ay ang suriin mg mabuti ang kalaban at hanapin ang kanyang kahinaan o weakness. Base sa aking kalkulasyon, mukhang kinakailangan ng maraming o napakalaking mana upang mag-summon ng ganitong controllable units. Kaya nang mapansin ko umubo siya na may kasamang dugo matapos niyang i-cast ang pangalang wave ng kanyang corpse party. Mas lalong naging malinaw sa akin na kinakain ng kanyang spell an

