Chapter 22 Mark of the Dead ZIE "Kisama..." inis kong sabi habang hawak-hawak ko ang katawan ng poste na nakita ko upang hindi ako liparin sa sobrang lakas ng pwersa ng pagsabog. Rinig ko ang pagbasag ng salamin ng mga building habang nagbabasakan ang matitining na tunog ng salamin sa lupa. Parang may hindi tama, hindi ko alam parang may somehthing akong nasesense. Hindi ko maipaliwanag, pero parang pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari----- "Hmmm, may isa na akong target..." Agad akong napalingon sa aking likuran nang makarinig ako ng isang boses ng bata. Isang maliit na boses ng isang batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakapa-imposible naman na magkaroon ng isang bata sa lugar na ito. Mariin kong tinitigan ng ang batang may suot ng isang kulay kayumagging roba. Nat

