Chapter 21 Blooming Mage ZIE Tatlong linggo na ang lumipas simula nang ako'y sumailalim sa isang special training regime. Kahit papaano ay nakakasunod na ako sa mga kaklase ko. Kahit papaano ay hindi na ako napag-iiwanan. Kahit papaano ay may ibubuga naman ako sa mga activities namin. Sa loob ng tatlong linggong iyon, wala man lang paramdam sa akin ang matanda este ang magaling kong Lolo. Hindi niya ako tinatawagan kaya hindi ko siya na-uupdate sa mga nangyayari sa training regime ko. Well, alam ko alam niya ang pinaggagagawa ko sa loob ng tatlong linggong training. Siya kaya ang Presidente ng bansa, malamang sa alamang may mga mata 'yan dito sa Academy. "Tatlong linggo na rin ang lumipas nang simulang sumakit ang mga daliri ko." mahinang tugon ko sa aking sarili habang pinagmamasdan

