Chapter 52 Twin Shadows ZIE "Antok na antok pa ako..." hikab ko habang nag-iinat ng katawan at pinagmamasdan ang magandang tanawin ng mga puno sa aking bintana. Bahagyang umiihip ang malamig na pang-umagang hangin at unti-unti na rin tumataas ang maliwanag na sikat ng araw. Para lang akong nasa probinsya. Ito na ang ikalawang araw ko sa Palasyong ito, matapos ang pagkikita namin ni Maeiv kahapon hindi ko na muling nakita ang mag-asawa dahil busy raw ito sa mga ginagawa para bansa. Wala naman akong ibang ginawa kahapon, kung hindi magmukmok sa loob ng kwarto ay nagbabasa ng mangilan-ngilan libro na matatagpuan sa kwarto ko. Habang nag-aayos ako ng aking sarili ay ipinalaaman sa akin ng mga kasambahay na magkakaroon ng magarbong almusal ang buong Palasyo dahil napaka-importanteng taong

