Chapter 53 The Old Silkwood ZIE Ilang sandali pa ang lumipas ay dahan-dahan na huminto ang sasakyan. Habang pinagmamasdan ko ang labas para bang wala na kami sa syudad na dinaanan namin kanina. Punong-puno ng malalaking puno ang buong paligid ngunit isang bagay lang ang pumukaw ng atensyon ko. Ang isang napakabahang at napakataas na pader na gawa sa mga pinagpatong-patong na malalaking tipak ng bato. "Nandito na tayo, ang pader na naghahati sa dalawang bansa. Ang pader na naghihiwalay sa modernong bansang New SIlkwood at ang tradisyonal na bansang Old Silkwood na parehong pinamumunuan ng dalawang magkapatid na sina Lolo Alastor at Lola Maeiv." nakangiting wika sa akin ni Aii nang makalabas kaming dalawa sa sasakyan habang tinititigan ang pader na iyon. "Anong gagawin natin rito?" nagt

