Chapter 54 Infinity ZIE "Mabuti na lang at nakauwi ako ng matiwasay, buong akala ko mawawala na ako sa lugar na ito." saad ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang malaking chandelier sa mataas na ceiling ng aking kwarto. Tahimik akong nakahiga habang muling inaaalala ang mga nasaksihan ko kanina. This country is rotting in it's core. Isang itong bansa kung tanging mayayaman lamang ang yumayaman at ang mahihirap ay mas lalo lang humihirap. Hindi ako makapaniwala na maraming mamamayan ang nasa laylayan. Mga batang walang makain at ang papayat at mga magulang na walang trabaho. Ibang-iba ang New Silkwood sa kinagisnan ng Old Silkwood. Feeling ko ang lahat ng yaman ng bansang 'to ay nasa pamilyang ito lamang. Iyong mga napanood ko kahapon, patungkol sa pagtulong ni Maeiv sa mga mahihirap

