Chapter 55 Bloodstone's Eve ZIE "Anong ba itong nangyayari sa mukha ko? Para akong isang zombie na buhay. Lubog na lubog na ang mga mata ko sa sobrang puyat. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako nakakatulog ng maayos." wala sa sariling saad ko habang pinagmamasdan ang aking sarili sa malaking salamin sa loob ng aking kwarto. Isang linggo ang linggo na ang lumipas matapos ang huli naming pag-uusap at pagkikita ni Maeiv. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapatulog ng mga nalaman ko. Malakas ang pakiramdam ko na totoo ang mga sinabi niya dahil iyon din ang mga impormasyon na nabasa ko sa mga available resources nila dito sa Palasyo. Hindi pa rin ako talaga makapaniwala na may ganong klaseng bato na nag-eexist sa mundong 'to. Para lang itong teleserye na napapanood ko sa Pilipinas

