Chapter 56 Autonomy ZIE Dahan-dahan akong napamulat habang nakatapat sa aking mukha ang maliwanag na ilaw. Marami akong pamilyar na boses na naririnig ngunit hindi pa ito nag-reregister sa utak ko. Bigla ko rin naramdaman ang kakaibang sakit ng aking ulo at batok. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong katawan ko. Akmang tatayo na sana ako sa malamig na matigas na katreng hinihigaan ko ng hindi ko maigalaw ang aking buong katawan. Ilang segundo pa at unti-unti ng luminaw sa akin ang paligid. Nasa aking gilid si Maeiv, kausap ang isang babaeng na naka-suot ng laboratory gown. "Mukhang gising na ang Apo ko, handang-handa na sa kanyang tadhana ngayon. Huwag kang mag-alala, hindi magiging masakit ang gagawin natin proseso." nakangising saad nito sa akin habang hinahaplos ng kanyang mal

