CHAPTER 6 Leonardo POV Hindi ko alam kung paano nangyari, pero sa unang pagkakataon, nahanap ko ang sarili kong parang isang high school na unang beses umibig. Lahat ng iniisip ko, umiikot kay Celestina. Her smile, her wit, her undeniable strength—lahat ng iyon ay nagbigay ng kakaibang sigla sa bawat araw ko. Pero kasabay ng tuwang nararamdaman ko ay ang takot. Nakaupo ako sa veranda ng bahay ko, nakatingin sa kalangitan. Hawak ko ang baso ng whiskey, pero parang hindi nito natutulungan ang tensyon sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang kinatatakutan ko. Siguro ang ideya na baka mawala si Celestina sa akin, o baka ang katotohanang hindi ko kayang protektahan siya mula sa gulo ng mundo ko. Bago pa ako tuluyang lamunin ng sarili kong mga iniisip, tumunog ang telepono ko. “Celestina,” b

