CHAPTER 7 Celestina POV Simula pa lang ng araw, naramdaman ko na ang bigat ng mga bagay na hindi ko maipaliwanag. Sa kabila ng pagtutok sa trabaho, tila may gumugulo sa isip ko. Ilang araw na rin akong nagtataka kung bakit parang may kakaibang nangyayari kay Leandro. Hindi naman siya tulad ng dati—misteryoso ang kilos niya, parang may pinangangalagaan na sikreto. “Miss Soriano, nandito na po ang mga dokumento para sa meeting mamaya,” sabi ni Atty. Marco habang inilalapag ang mga papeles sa desk ko. “Salamat, Marco. I’ll review these before the meeting,” sagot ko habang iniaabot ang tasa ng kape na kanina ko pa nilalamlam. Pagkatapos niyang umalis, sumandal ako sa upuan ko at tinitigan ang city view mula sa bintana ng opisina. Sa bawat araw na lumilipas, parang mas dumadalas ang pag-ii

