CHAPTER 8 Third Person POV Sa mundo ng mga mayayaman, kung saan ang bawat galaw ay tinitimbang at ang bawat salita ay may kahulugan, ang relasyon nina Leandro at Celestina ay naging usap-usapan. Parang eksena sa pelikula ang bawat pagkikita nila—ang matamis na ngiti ni Leandro na para bang siya lang ang tao sa mundo ni Celestina, at ang matapang ngunit malambot na tingin ni Celestina na nagbibigay kay Leandro ng dahilan para lumaban sa bawat pagsubok na hinaharap niya. Ngunit sa likod ng magagandang eksena, may mga lihim na nagbabanta sa kanilang relasyon. Sa isang gabi, niyaya ni Leandro si Celestina na mag-dinner sa isang rooftop restaurant sa Maynila. Isang lugar na tahimik at may magandang tanawin ng lungsod. “Para saan ito?” tanong ni Celestina habang tinatanaw ang mga ilaw ng lun

