Paggising ni Leonardo

2355 Words

CHAPTER 32 Third Person POV Lumipas ang mga araw mula nang maoperahan si Leonardo, ngunit nanatili siyang nasa coma. Sa bawat araw na dumadaan, lalong nadaragdagan ang takot ni Celestina. Para siyang naiipit sa pagitan ng pagkabaliw at pag-asa. Ang bawat tunog ng makina sa kwarto ni Leonardo ay parang martilyong pumupukpok sa kanyang dibdib, lalo na kapag naririnig niya ang patuloy na monotono ng beeping ng heart monitor. Hindi niya maiwasang maalala ang mga nangyari noong gabing iyon—ang dugo, ang sigawan, at ang kanyang desperasyong patayin si Adrian. Subalit, kahit na nawala na ang banta ni Adrian, nanatiling nakabitin ang kanilang kapalaran. Araw-araw, dumadalaw si Celestina sa kwarto ni Leonardo. Dala ang kambal, tahimik niyang sinasabi sa kanyang asawa ang mga nangyayari sa kanil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD