"Shadow"

1670 Words

CHAPTER 16 Unknown POV Sa kalaliman ng gabi, tahimik ang lahat maliban sa marahang ihip ng hangin na dumadampi sa mga dahon ng punong mangga. Ang kadiliman ay tila bumabalot sa buong paligid, ngunit hindi ito sapat para itago ang isang nilalang na nagmamasid mula sa lilim. Nakatayo ako sa di-kalayuan, nanonood sa kanila. Sa mga mata ng iba, para silang isang ordinaryong pares—si Celestina, ang babaeng kayang lupigin ang mundo gamit ang kanyang talino at tapang, at si Leandro, ang lalaking may karismang walang makakapantay. Ngunit sa akin, silang dalawa ay higit pa roon. Sila ang susi sa lahat ng ito—ang dalawang taong hindi ko hahayaang magtagumpay. Humigpit ang hawak ko sa maliit na device sa aking bulsa. Isang simpleng aparato lamang ito, ngunit ito ang magiging simula ng lahat ng pl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD