Gabi na nang magising si Inigo. Kaagad niyang kinapa sa tabi niya si Rylee pero wala na ito kaya kaagad siyang bumangon. Mabuti na lamang at nakita niyang nakatayo lang ito sa veranda. Nakabihis na rin ito ng damit at ninanamnam lang ang mabining hangin na dumadampi sa balat nito. Nakangiting pinagmasdan ni Inigo ang likod ni Rylee. Naalala niya ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila kani-kanina lamang. At inaamin niyang ngayon lang siya nakipagtalik ulit ng babaeng berhen pa bukod kay Margaret ang unang babaeng minahal niya at iniwan siya limang taon na ang nakakaraan para tuparin ang pangarap niyang maging doctor. Dahil sa hindi pagkakaunawaan ay iniwan siya nito at ngayon ay hindi na niya alam kung nasaan ang babaeng yun. Magpahangang ngayon ay wala pa rin siyang balita kay Margaret

