“Anong nangyari sa mga mata mo?” Natatawang tanong ni Bernard nang makita niya ang pagbaba ng hagdan si Inigo habang nakaalalay siya kay Rylee. “Mukhang hindi ka nakatulog ah?” Dagdag pa nito na kinainis niya. Tumigil sa paghakbang si Rylee. “May problema ka ba kaya hindi ka nakatulog?” Tanong ni Rylee sa kanya habang derecho lang ang tingin sa kanya. “Hindi naman, nanibago lang siguro ako. But I’m okay now.” Sagot niya dito at muli silang bumaba sa hagdan patungo sa dining table kung saan kumakain naman sina Rhose at Xandro ng almusal. “Goodmorning po.” Bati ni Rylee. Kahit wala siyang makita ay nararamdaman niyang nasa harapan lang niya ang mga kaibigan ni Inigo. “Goodmorning din.” Nakangiting bati ni Rhose sa kanya. Inalalayan niyang iupo si Rylee sa upuan at pinagsilbihan ng almu

