Naguguluhang napatingin si Rylee sa mga sinabi ni Inigo sa kanya. Nagulat na lamang siya nang maramdaman niya ang malambot nitong labi sa kanyang labi. “That’s better.” Sambit ni Inigo nang maghiwalay ang labi nilang dalawa. “Sir, nasa public tayo.” Nahihiyang sambit ni Rylee sa kanya. Alam niya kasing marami ang nakakita sa ginawang yun ni Inigo. Ngunit hindi naman niya yun mapigilan dahil wala nga siyang paningin. Hindi na nga din niya alam kung bakit hindi naman siya nakakaramdam ng pagtutol sa ginagawa nito basta ang alam lang niya ay kampante siya sa tabi nito. “So what? Mukhang kinikilig pa nga sila sa atin eh.” Hinawakan niya ang kamay ni Rylee at dinala yun sa hita niya. Gusto man niyang hilahin ang kamay niya baka hindi naman magustuhan yun ni Inigo kaya hinayaan na lang niya

