Rylee’s POV Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang nanirahan kami dito sa Batanes. Pansamantalang nakalimutan ko si Inigo dahil na rin sa presensya ni Ismael. Sa paglipas ng mga araw ay mas nakilala ko pa siyang mabuti. Napakabait niyang tao, pinayagan niya akong magtrabaho sa restaurant niya bilang serbedora. Kaya palagi kaming magkasama at nagkikita. Sabi ni Missy na kapwa ko taga-serve ng pagkain ngayon lang daw nila nakikitang tumatawa si Ismael. Masayahin na daw ito noon pero mula daw nang mapunta ako dito sa restaurant niya ay mas naging masayahin pa ito. Naglolokohan pa nga sila ni Linda na kasamahan din namin at baka daw nasapian na ito. Kaya palagi ko silang sinasabihan na wag bigyan ng malisya ang kung ano man ang meron sa amin ni Ismael. Nakatagpo ako ng panibagong kaibiga

