AKI’s POV ‘Yung ang saya – saya mo at sa isang iglap lang ay biglang maglalaho at mapapalitan nang sakit at lungkot. Breaking news talaga, dahil sa pag-andar ng kaso ay mawawala sa akin ang pinakamamahal kong si Sophie. Masaya ako na nahuli ang kanyang tiyuhin na si Damian, pero ang kapalit noon ay ang paglabas ko sa kanya sa pinagtataguan namin ang masakit. Hindi ko alam kung nakita ng aking baby Sophie and reaction ko after magsalita ng kanyang Papa. Bumangon ako at niyakap ko siya. Umiiyak siya sa tuwa dahil magkakasama na sila ng kanyang pamilya. Samantalang ako ay lumuluha sa loob dahil alam ko na kukunin na siya. Bilang lingkod bayan ay kinuha ko ang aking phone at binuksan ko ito para mag-report sa aming commander in chief. Kay General Fabregaz. Ini-report ko sa kanya ang st

