SOPHIE’s POV Narito ako sa France ngayon para kitain ang aking kaibigan at bisitahin ang exhibit na taunang ginagawa. Nakilala ko siya sa America nang sumali rin ako sa isang exhibit roon. At ngayon ay nandito ako sa bansa niya at inimbitahan ako para sa taunang “Salon des Independants” ito ay exhibit para sa mga independent artists. Hindi naman ako sumali, pero gusto ko kasi ang mga ganitong event. Marami akong paintings na nasa Pilipinas at meron din ako sa aming bahay sa America pero kaunti lang. Nag-iikot ikot ako sa mga naka-display na paintings. May isang narinig akong nagsalita na French woman. “C’est incroyable! Vous lui ressemblez beaucouop.” Palitan niya akong tinitingnan at ang painting. May pagkakahawig daw ako sa nakahugit. Kaya naman napatingin ako sa painting na tinitin

