SOPHIE’s POV It’s been a long time since we left the Philippines. Shadow and I have been apart for five years. I’m thrilled to return to the Philippines and reside there once again. Sa limang taon nang paninirahan namin dito sa America ay wala akong pinangarap at laging idinadasal kundi ang pagtagpuin ang aming mga landas ni Shadow. Na sana ay magkaroon siya ng training o di kaya ay ang bago niyang misyon ay pumunta dito at isama siya. Dahil iyon lang ang alam kong paraan paano siya makakapunta dito. Palaisipan pa rin sa akin ang tinutukoy ni Albert na Shadow na nagdala ng painting. Sa inilarawan niyang hitsura ay hindi na si Shadow iyon. Malinis ang buhok ni Shadow at hindi long hair. Pwedeng si Shadow ang may-ari nang painting pero hindi ang nagdala dahil napakalayo ng description ni

