AKI’s POV Maghapon na ako dito sa opisina. Lumuwas lang ako ng Manila para sa meetings na naka-schedule para sa Linggo na ito. Kung hindi lang importante ito ay magtitigil na lang ako sa Santa Monica. Doon makikita ko ang mukha at katawan ng aking baby Sophie. Babalik din naman agad ako roon kapag natapos ang mga meeting. Pagod na ang utak ko dahil may problema sa isa kong negosyo. Exhausted na ako. Idagdag pa ang isa kong business partner na panay ang pa-cute habang may meeting. Wala akong oras sa ibang bagay lalo na sa mga ganoong klaseng babae. Isa lang ang babae na laging nasa puso at isipan ko, ang aking baby Sophie. Nagyaya pa sila na kumain sa labas pero hindi na ako sumama. Magtutulog na lang ako sa bahay. Dala ko kahit saan ang unan ni Sophie. Hanggang ngayon ay ito pa rin i

