SOPHIE’’s POV Galing kami sa mall, ipinasyal lang namin ang mga bata. May anak ako at triplets sila. Si Shadon ang panganay, si Shador ang sumunod at si Shadie ang bunso at nag-iisang babae. Sila ang dahilan kung bakit naka-survived ako ng limang taon. Pagdating namin ng Amerika ay wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak dahil na-mi-miss ko si Shadow. Akala nina Mama at Papa noong una kaya ako nagsusuka at nahihilo dahil sap ag-iyak ko at kulang sa tulog. Kaya lang iba ang pakiramdam ng aking Mama. Napansin niya na wala naman lumalabas sa akin kapag nagsusuka kundi laway at mapili ako sa pagkain na hindi naman ako ganoon. Pinatingnan nila ako sa doctor at ang akala kong urinalysis lang ay pregnancy test na ang pinagawa. Nagulat kami dahil buntis daw ako at magdadalawang buwan na

