AKI’s POV Nakarating ako ng bahay ng hindi ko namamalayan. Okupado ang aking isipan ng batang nakita ko na super cool. At pati na rin ng babae na sa tingin ko ay kahawig ni Sophie. Hindi ako magkakamali na si Sophie iyon. Kaya lang ay may kasama siyang lalaki at may hawak siyang bata. Hindi si Sophie iyon kung may pamilya na siya. Alam ko na babalikan niya ako dahil ako naghihintay ako sa kanya. Bwisit kasi ang pinsan kong kulang-kulang eh, kung hindi ako hinarangan ay makikita ko ang mukha ng babae. Kung kailan makikita ko na ay saka pa biglang lumapit sa akin. Malayong kamag-anakan namin iyon pero hindi pa nga sigurado kung legit. Sinalubong ako ni Mommy pagpasok ko ng kabahayan. “How are you, son?” ito naman ang lagi niyang tanong sa akin. “As usual pagod po sa traffic. Ito po

