AKI’s POV Maaga akong pumasok ng opisina at maaga ko rin pina-re-schedule ang meeting para sa araw na ito. Kung hindi lang importante ang meeting, gusto kong ipa-cancel ito at tumambay na lang sa mall maghapon. Hindi na ako sa mansion nag-breakfast, sa office na lang habang nagtatrabaho. Nanghihinayang ako sa oras na masasayang kung pwede ko naman pagsabayin. Sipping coffee while reviewing the documents. Okay na ako sa coffee sa umaga kaya walang problem ana pumasok ako ng walang breakfast. Informed na rin ang secretary ko na kailangan namin pumasok ng maaga. Halos wala akong tulog sa kaka-isip sa mukha ng babae. Hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin akong inis sa pinsan ko. Pwede naman kalabitin lang ako pero yung iharang ang mukha niya sa tinitingnan ko kulang na lang ay masa

