bc

Paubaya

book_age12+
41
FOLLOW
1K
READ
student
drama
comedy
sweet
bully
betrayal
cheating
first love
friendship
school
like
intro-logo
Blurb

"Ako ang nauna" nakangiti akong nag-angat ng tingin sa mga taong taimtim na nakikinig sa akin.

Nilibot ko ang aking mga mata sa dagat ng mga tao at lalong napangiti nang makita ang lalaking nakayuko't tila iniiwasan ang aking mga tingin. Ang lalaking minsan kong tinawag na 'akin'.

"Pero sya ang wakas"

Ngunit bago ko pa maialis ang aking paningin sa kanya ay nakita ko ang isang magandang babaeng agad syang hinawakan. Ang babaeng minsan kong tinawag na 'kaibigan'.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"God, Selena! We've been here for almost an hour now! Baka gusto mo nang tumigil sa pag-iyak?" Napanguso tuloy ako sa sinabi ni Venus at muling napatingin sa pintuan ng classroom na papasukan ko. Iniisip ko pa lang ang mangyayari sakin sa loob ay natatakot na kong pumasok at parang gusto ko na lang magmakaawa sa Dean para ilipat ako ng section. If only things were just as easy as that. "W-wala akong kakilala sa loob" malungkot na sabi ko pero pinunasan lang ni Erich yung mukha ko na puro luha na siguro. Kahit sino naman siguro na halos isang oras nang umiiyak ay tiyak na mapupuno ng luha't sipon ang mukha at sigurado akong ganoon na nga ang hitsura ko ngayon. "May break times naman" she said while wiping my tears using her handkerchief and Venus immediately nodded, agreeing on what Erich have said kahit halatang pinapagaan lang naman nila ang pakiramdam ko. "Yeah, we can meet each other naman during those times kaya tahan na. Baka pare-parehas pa tayong ma-late" Kahit pinipilit nilang pagaanin ang loob ko ay hindi pa rin mawala ang lungkot at takot ko sa sandaling iwanan nila ako dito at pumasok ako sa loob ng silid na wala naman akong kakilala. "Wala man lang akong makakasama dito" nakayukong sabi ko. Hindi naman literal na wala akong makakasama sa loob ngunit ang iniintindi ko ay hindi na magiging katulad pa ng dati ang mangyayari sakin ngayong school year. Kung dati ay palagi kong kasa-kasama ang nga kaibigan ko sa tuwing pupunta sa cafeteria, sa comfort room, at sa iba't ibang sulok ng unibersidad, ngayon ay hindi na. Kung dati ay palagi akong may kausap sa loob ng classroom at may kabulungan kapag may klase, ngayon ay wala na. Nalulungkot agad ako sa mga isiping ito. Ano nang mangyayari sakin sa loob ng sampung buwan na pag-aaral kasama ang mga estudyanteng hindi ko naman ka-close sa loob ng isang silid?! Magsasalita na sana si Erich ngunit napatigil din agad nang marinig namin ang pagbukas ng pinto sa gilid namin. Mula doon ay lumabas ang isang babae na sigurado akong adviser ng room na ito. "Selena? Magsisimula na tayo, tara na" mahinahong sambit nito at nginitian kaming tatlo na lalo lang nagpalungkot sakin. Kung hindi lang sya teacher ay iisipin ko nang para akong sinusundo ng kamatayan para ihatid sa kabilang buhay. Napatingin ulit ako kila Erich at Venus bago nila ko mahinang itinulak papalapit sa pintuan. "Sige na, we'll still see each other later, okay? Goodluck" bulong sakin ni Venus "Sure ako na may kakausap din sayo dyan. Tiwala lang, ha?" sabi naman ni Erich at sabay na silang naglakad papalayo habang ako'y nakatingin na lang sa kanila. Hindi ko pa rin makuhang gumalaw dahil kinakabahan ako sa mangyayari sa buong araw ko kapag pumasok na ko sa room. Magcutting na lang kaya ako? Pero hindi pwede, inaabangan na ako ng teacher ngayon. Sabihin ko kaya na masama ang pakiramdam ko? O natatae ako? Pero baka masyado naman akong obvious na gusto ko lang tumakas. Kung magkunyari na lang kaya akong nahimatay? Kapag ganon ay baka dalin ako sa clinic at magkukunyari na lang akong nahihilo para hindi muna ako papasukin sa klase. Pero hindi! Sigurado akong magtatawag ang teacher na 'to ng bubuhat sakin at baka ang mautusan nya ay yung mga kaklase ko pa which is a big NO. Ang lalim ng iniisip ko kaya nagulat pa ko nang nilingon ulit ako nila Erich at sabay na bumigkas ng salitang lalong nagpahikbi sa akin. "Love you" Sa huli ay sabay na rin kaming pumasok ng teacher sa loob ng classroom na agad kaming sinalubong ng mumunting mga usapan. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga magkakaibigan at sa mga dating magkaklase ngayong unang araw ng pasukan? Siguradong kanya-kanya sila ng kwento patungkol sa nangyari sa bakasyon nila at panibagong mga plano para sa school year na ito. Well, sana all! Agad na lang akong pumwesto sa pinakalikod para wala akong makatabi na hindi ko kilala at para hindi na rin ako ma-out of place sa ibang magbabarkada na magkakatabi na agad sa kanya-kanyang upuan. Lihim na nilibot ko ang paningin sa paligid at napagtanto na iba ang silid na ito kaysa mga naging silid ko noong mga nakaraang taon. Sa halip kasi na mga armchairs ay may tatlong mahahabang lamesa lamang sa silid at ang mga inuupuan naming mga estudyante ay monoblocks na nakapaligid sa lamesa. Napansin ko rin na may mga laboratory equipments na nakalagay sa mga drawer na salamin sa likod ko at whiteboard naman ang nasa harapan namin. Sigurado akong ito ang dating Science Laboratory ngunit ginawa itong classroom ngayon dahil siguro sa dami ng estudyanteng nag-enroll ngayong taon dahilan ng pagka-kulang ng mga silid. Bahagya akong napailing dahil hindi man lang naisip ng mga namamahala sa school na ito o kahit ng mga shareholders ang magpagawa ng mga panibagong silid para hindi maging siksikan ang mga estudyante. Kung mamahala sila ay parang hindi nagbabayad ang mga magulang ng estudyanteng pumapasok sa pribadong eskwelahan na ito. They should at least try to give the best to their students even with a simple action of constructing more and new rooms to occupy. Naputol ang paglilinga-linga at pag-iisip ko nang may biglang naghila ng upuan sa tabi ko para makaupo. Actually, hindi sa mismong tabi ko dahil nasa dulo nga ako ng lamesa na tila isang padre de pamilya at ang lalaki naman na naghila ng upuan ay nasa kanang side ng lamesa ngunit malapit sakin. At dahil nasa dulong gawi nga ng classroom ang pwesto ng lamesa na ito ay malapit din kami sa aircon na sinadya kong lapitan para hindi ako mainitan. Hindi ko na lang sya pinansin at kinuha na lang ang cellphone ko para gamitin ng palihim dahil nakikipagkwentuhan lang naman ang teacher namin sa iba kong kaklase na kaaga-agang sumisipsip. Unang araw pa lang naman to ng pasukan kaya mukhang wala pang masyadong gagawing importante kaya pwede pang magpapetiks-petiks. "Di ako nakikilala nito" biglang nagsalita yung lalaki sa gilid ko ngunit hindi ko naman alam kung sino ang kinakausap nya kaya hindi ko sya nililingon. Ngunit ilang sandali pa ay bigla na lang may pumindot sa pisngi ko na para bang pumipindot lang sya ng monay sa tindahan. Agad akong napalingon sa lalaking nakatawa na ngayon dahil sa biglaang pagsimangot ko. Mukha ba kong nakikipagbiruan? "Gago, si Mark 'to" sabi nya agad bago pa ako makapagreklamo kaya unti-unti namang nawala ang kunot sa noo ko dahil parang pamilyar nga ang pangalan na sinabi nya. Saan ko nga ba ulit narinig 'yon? "Ex ni Anne, tanga" Doon na 'ko tuluyang napatango ng dahan-dahan habang inaalala na sya nga pala ang palagi naming kasama noong nakaraang taon dahil sya yung jowa dati ng kaibigan namin na si Anne na sya namang lumipat na ng school ngayon. Akalain mo nga naman, ang liit lang talaga ng mundo para samin at naging kaklase ko pa sya ngayon. Mukhang ituturing ko na lang din siguro itong good news dahil atlis ay may kakilala na ko rito at may makakausap kahit papaano. "Ah oo, n***o" nawala naman ang ngisi nya dahil sa sinabi ko at inambaan ako ngunit pinanlakihan ko agad sya ng mata. Ganito talaga kaming magkakaibigan lalo na at close kaming lahat dahil magaling syang makisama kaya ang ending, naging kaibigan na rin namin sya kaso nung nagbreak sila ni Anne, medyo nawala na yung connection namin sa kanya. Naputol ang pagsusuntukan namin ng pabiro nang may humila ulit ng upuan sa tabi nya at sa kaliwang gilid ko naman. May mga dala itong cellphone na inilalim nila agad sa lamesa ngunit tama lang upang makita nila ang screen ng maayos. Tinignan ko sila nang mabuti. Isang matangkad na lalaki ang katabi ngayon ni Mark, katamtaman lamang ang hitsura nya ngunit ang lakas na ng dating nya para sakin. Ang sa kaliwang side ko naman ay magkatabi ang dalawang hindi ko rin kilala. Isang singkit na katapat ni Mark kaya medyo katabi ko sila pareho at isang medyo maliit na lalaki na mukhang bata. "ML?" pag-aya ng matangkad na lalaking nasa tabi ni Mark habang ang dalawa naman sa kabilang side ko na syang katapat nila ay nakatutok na sa cellphone na tila hinihintay na lang talaga si Mark. Gustuhin ko mang lumipat ng upuan dahil sa pinalibutan nila ako dito sa likod ay hindi ko na rin magawa dahil sa wala na akong makitang pwesto na mag-iisa ako dahil may kanya-kanya nang upuan ang mga magbabarkada sa silid. Hindi naman siguro magandang tignan kung bigla na lang akong uupo sa mga tabi nila kahit hindi pa nila ko kakilala, diba? Hindi na lang ako kumibo at bumalik na lang sa pagcecellphone. Nagpasalamat na lang ako ng palihim nang makitang naka-online si Venus dahil mukhang wala din naman silang ginagawa kaya agad ko syang chinat. Selena: Wala kayong ginagawa ngayon? Selena: Inip na inip na ko dito Selena: Help! Selena: Btw, kaklase ko yung ex ni Anne Selena: Medyo may makakausap na rin ako sa wakas Selena: Hoy! Pero ang kapal ng mukha nya sa part na bigla syang naglog-out nung pagkasend ng mga chats ko. Kaya eto, wala na naman tuloy akong magawa. Sigurado akong mapapatikim ko yung babae na yon ng isang matamis na halik ng palad ko sa pisngi nya. Hays! "Tanga, bawal apat sa rank" narinig kong sabi ni Mark pero kunyari di ako nakikinig para di nila ako mapansin dito sa pwesto ko. Kunyari invisible. Naghanap na lang ako ng kung anong pwedeng kalutkutin sa cellphone ko ngayong wala na akong makachat dahil parehong offline sila Erich at Venus. Sigurado masayang-masaya ngayon yung dalawa na 'yon na nakikipagtawanan sa klase. Sana all talaga! "Invite ka pang isa" mula sa gilid ng mata ko, nakita kong nagsalita yung maliit na lalaki na katabi nung singkit sa kaliwang side ko. "Mga offline eh" sabi naman nung matangkad at pagkatapos noon ay sabay-sabay silang nanahimik. Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin mula sa pagkakayuko at patuloy lang ako sa pagscroll sa f*******: kahit puro sadboi at sadghorl lang ang mga nakikita kong nagpopost. Bakit ba naging ganito ang mga sss Friends ko? Ganyan talaga siguro ang napapala ng mga uto-u***g naniniwala sa internet love. Ayan, mga sawing-sawi ngayon! Natawa tuloy ako ng mahina dahil sa naisip ko. Parang ang bitter tuloy ng dating ko pero nagsasabi lang naman ako ng totoo! Internet love? Gawa-gawa lang yan ng illuminati! Mga wala lang talagang magawa sa buhay ang mga tao ngayon! Sa pagtataka dahil sa matagal na katahimikan sa pagitan nila Mark ay sinubukan kong tignan kung nagsisimula na ba silang maglaro kaya mula sa cellphone ko ay nag-angat ako sa kanila ng tingin ngunit laking gulat ko na nakatingin din pala sila sakin. Mula doon sa singkit na mukhang ngayon lang napansin ang presensya ko, sa maliit na lalaking tila kinikilatis ako, sa matangkad na lalaking taimtim lang na nakatingin sakin at kay Mark na nakangisi habang nagtataas-baba ang kilay. Lahat sila ay nakatingin ngayon at ako naman ay nagmukhang tangang na-hotseat na lang bigla sa gitna nila, hinihintay kung may sasabihin ba sila o ano. Matagal ang katahimikan sa pagitan naming lima at napagpasyahan kong yumuko na lang ulit ngunit bago pa man ako makagawa ng ibang galaw ay narinig ko ang pagtikhim nung matangkad na lalaking ngayon ay tumingin muna sa cellphone nya bagong muling nag-angat ng tingin sa mga mata ko. Walang ngiti ang nakalagay sa mukha nya pero hindi sya nagmukhang barumbado para sakin, bagkus ay natulala na lang ako sa kanya habang nakatingin din sya sa aking mga mata. Hindi ko pinansin ang binibigkas ng utak ko na para bang pamilyar sya sakin dahil mas nadidistract ako sa mismong titig nya. Sa mga mata nyang ipinagtataka ko kung bakit ayaw bumitaw sa pagtingin. At sa lalamunan nyang nahahalataan ng paglunok dahil sa pagtaas-baba ng kanyang Adam's apple. Naputol ang katahimikan sa pagitan namin nang bigla syang magsalita pagkatapos nyang basain ang pang-ibabang labi nya gamit ang kanyang dila. "Sali ka?" ||||| SELENAPHILE

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook