bc

Rosas Na Walang Tinik

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
second chance
journalists
sweet
mxb
office/work place
first love
selfish
like
intro-logo
Blurb

"Hindi lahat ng iniiwan binabalikan, at hindi lahat ng nang iiwan may babalikan" ito ang mga katagang pinaniwalaan ng karamihan. At isa na dito si Lovely na naniniwala rito. Subalit mapapaninindigan niya kaya iyon?.

Si Anthony ang unang naging pag-ibig ni Lovely pero dahil kay Nicole ay naputol ang kanilang relasyon. Nang makilala ni Lovely si Jhon ay naging malapit ang kanilang loob sa isa't isa. Hanggang sa ganap itong napamahal sa kaniya. Ngunit ng malaman ni Lovely na siya parin ang tinatangi ng puso ni Anthony at hindi ang babaeng inaakala niya na si Nicole, ay napagtanto niya na mahal pa rin niya si Anthony. Ngunit may namumuo ng pag-iibigan sa pagitan ni Lovely at ni Jhon. Hindi niya ngayon malaman kung sino ang mas matimbang sa kaniyang puso; si Anthony ba na una niyang pag-ibig at mahal na mahal siya nito o si Jhon na siya niyang kasalukuyan?

chap-preview
Free preview
Chapter l
SABADO nang umaga ipinagdiriwang nila at ng mga kasamahan nito ang pagkapromote ni Lovely bilang isa sa head ng editorial ng company na pinagtatrabahuan niya. Kasama nito kasintahan na si Anthony sa pagdiriwang na iyon. Nagkayayaan sila na mag inuman sa isang bar kaya naisipan nilang sumabay nalang sa kanila. Nandito sila ngayon sa isang bar. Maraming tao at mga babaeng nagsasayawan sa ibabaw ng intablado. "Doon tayo pumwesto." Sambit ni Rey sabay turo sa kabilang mesa. Pumunta sila doon dahil mas malapit ito sa intablado sa mga nagpeperform. Maraming tao puro mga kalalakihan may iilan naman na Babae subalit mga kasamahan lamang nito ng mga nag iinoman. Umorder ng 5 case ang kasamahan nila at sinimulan na ang inuman. Puno ng alak ang bawat sulok ng mesa. kaniyang kaniyang pulutan sa bawat harapan. lumipas ang ilang oras may tama na rin ang iba dahil sa alak. Sa kalagitnaan ng inom narinig ni Lovely ang paguusap ng mga kasamahan ni Anthony. " Diba yan yung girlfriend ni Anthony? E sino yung kasama niya nong nakaraang araw ?" Bulong na Babae sa kaniyang katabi na narinig nito. Nawalan siya ng gana sa inuman sa halip na komprontahin sila ay minabuti na lamang na umalis ito at pumunta sa Cr. Kinahaponan nag uwean na ang iba habang naiwan ang ibang mga kasamahan nila. Matagal ng naririnig sa ibang mga tao na may ibang kinakalandian si Anthony pero hindi lamang yun pinapansin kasi hindi naman nakikita ng dalawa niyang mata. Ngunit habang tumatagal ang mga araw ay biglang nag iiba ang pakikisama nito sa kaniya dahilan upang magbago ang ihip ng kanilang relasyon. "TOTOO ba ang naririnig ko tungkol sa Inyo ni Nicole?" tanong ni Lovely kay Anthony. Magkasabay silang pumasok sa loob ng bahay. Hindi kaagad nakasagot si Anthony. Bakas sa mukha ni Anthony ang pagkagulat nito dahil sa biglaang pagtatanong ni Lovely na hindi niya inaakala. "Totoo ba iyon?" tanong ulit ni Lovely. Tinignanniya sa mga mata si Anthony pero hindi makatingin ng diritso sa kaniya ang binata. Tumango si lamang ito. "Kung gayon matagal mo na pala akong niloloko," saad ni Lovely habang pinipigilan na tumulo ang mga luha nito. "Dahil matagal ko nang naririnig ang tungkol sa inyo." dagdag pa niya. "Hindi ko mahal si Nicole," sambit ni Anthon na malakas ang boses. "Kung hindi mo siya mahal, paano kayo nagkaroon ng relasyon?" "Para sa akin isa lamang siyang kaibigan." aniya ni Anthony. "Kaibigan? Lagi kayong magkasama at kung saan saan kayo pumupunta, may nakakita pa sa inyo na nanggaling kayo sa isang hotel, ganon ba ang magkaibigan?" at dito na nga bumuhos ang mga luha niya. "Totoong mahal niya ako," saad ni Anthony. "pero hindi ko na siya pwedeng mahalin. "Dahil may minamahal na ako. At ang tanging mahal ko ay Ikaw." "Kung talagang hindi mo siya minamahal, bakit hindi mo siya magawang iwasan?" Saad ni Lovely. Hindi nakasagot si Anthony. Bahagya itong napayuko. "Dahil gusto mo rin siyang makasama, hindi ba?" Pagpapatuloy niya. "Madamot ako Anthony, ayaw ko ng may kahati ako sa isang bagay lalo na sa pagmamahal." sambit niya habang pinalo palo ang dibdib ni Anthony gamit ang dalawa niyang kamay habang umiiyak. "Mula ngayon ay iiwasan ko na siya," saad ni Anthony habang pilit hinahawakan ang mga braso ni Lovely. Bigla namang kumalas si Lovely at itinulak ang kamay nito papalayo sa kaniyang braso. "Hindi mo na kailangan umiwas sa kaniya. Dahil simula ngayon, tinatapos ko na ang lahat sa atin." "Ano?" nabigla si Anthony sa sinabi ni Lovely. "Kung totoong hindi mo man siya minahal, pag-tuunan mo na ng pansin at pag aralan dahil simula ngayon wala na tayo at siya na ang mahalin mo." Saad ni Lovely habang umiiyak papalayo sa harap ni Anthony. Hinabol siya nito at kinausap. "Lovely, nangangako ako sayo, iiwasan ko na siya." aniya. "Wala na ring halaga ang mga pangako mo." habang pilit na iwinawaksi ang kamay ni Anthony. "Hindi mo na ba ako mabibigyan ng Isa pang pagkakataon?" Hindi na siya sumagot, huminga ng malalim. "Inaamin kong nagkasala ako sa'yo," saad ni Anthony habang unti unting tumutulo ang mga luha sa mata. "Hindi mo ba ako mapapatawad?" "Hindi ganon kadaling magpatawad," aniya at humarap siya kay Anthony. Tinignan niya ito sa mga mata. Hindi nitong nagawang salubongin ang titig niya. Bahagya itong yumuko. Walang imik na lumabas ng pintuan si Anthony. Hindi niya ito tinignan. Hanggang sa marinig ni Lovely na umalis na ang kotse nito. Pumasok si Lovely sa kaniyang silid at humiga siya sa kama. Masamang masama ang kaniyang loob pero pinigilan nito ang pagluha. Masakit para sa kaniya ang paghihiwalay nila ni Anthony. Dahil si Anthon ang tanging lalaki na natutunan niyang mahalin. Pero hindi niya matanggap na may iba pang babae sa buhay nito. Kaya minabuti na lamang niya na tapusin na ang lahat sa kanila. Upang maramdaman din ni Anthony ang sakit na nararamdaman niya. Magdamag itong nagkulong sa kaniyang kwarto masyado siyang nasaktan sa mga nangyare, kaya kahit sa trabaho niya ay napabayaan niya nong araw na iyon. Hindi na rin siya pumasok sa araw na iyon kahit alam niyang unang araw pa lamang iyon ng kaniyang pagka promote. Makalipas ang isang linggo ay muling dumalaw sa kaniya si Anthony. Sinadya siya nito dahil nalaman ni Anthony na hindi siya pumapasok sa trabaho. "Naghihintay sa iyo si Anthony," Sabi sa kaniya ng mama niya habang nakatayo sa may pintuan habang si Lovely naka higa sa kama. "Sabihin mo masakit ang ulo ko," aniya. "Hindi ko siya mahaharap" dagdag pa nito. Pagsisinungaling niya upang hindi nito harapin ang binata. Lumabas na ng kwarto ang mama niya at isinara ang pinto. Ang totoo nahihirapan din siya sa ginagawa niyang pag iwas kay Anthony. Pero habang nararamdaman pa niya ang sakit na dulot ng pagtataksil sa kaniya hindi pa niya magawang magpatawad kahit ang makita man lang niya ito. Sa tuwing dumarating ito sa kanilang bahay ay hindi niya ito hinaharap alam kasi niya na iyon nanaman ang gagawin niya ang humingi ng tawad sa kaniya

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook