Chapter 31: Revelation VLADIMIER’s POV I LOVE Chendra, at hinding-hindi ko rin naman pagdududahan ang nararamdaman niya sa akin. Pero dahil nababahala ako at parang may mag-uudyok sa ’kin na gawin iyon ay sinunod ko na ang instinct ko. Ang paimbestigahan ang family background niya, at mabilis lang nakakuha ng impormasyon ang private investigator ko. Ang girlfriend ko, hindi lang siya si Chendra Alderto. Chendra Veronna Chavez, iyon ang buo at totoo niyang pangalan. Nakasaad din na panganay na anak siya ni Chendro Chavez, anak siya ng kriminal. Nang malaman kung sino nga ang tatay niya ay naalala ko si lola, kung paano siya nagkaroon noon ng trauma dahil sa kidnaping. Hindi ko na nga napigilan ang magalit. Kaya naman pala ganoon na lamang ang reaksyon niya. Kahit wala pa akong nala

