Chapter 32: He knows GABI na ako nakarating sa Baguio. Patingin-tingin ako sa paligid, nang may nakita akong isang sasakyan ay agad akong bumaba para i-check iyon. Hindi ko alam kung kaninang kotse ito, o baka kay Chendra? Inilabas ko ang cell phone ko, at kinuhanan ng litrato ang plate number. Pinadala ko iyon kay Klein. Ilang segundo lang ang nakalipas ay nag-reply siya. Confirmed na sasakyan ito ni Chendra. Walang tao sa loob, naka-lock pa. Siguro wala siya rito. Bumalik ako sa kotse ko, may kalayuan pa kasi ito sa bahay na pupuntahan ko. Pagdating doon ay sinadya ko nang i-park ang sasakyan ko malapit sa bahay ni dad. Nang makita ako ng mga tauhan na nagbabantay ay agad silang naalarma. Umibis ako mula sa kotse ko, at lima sila ang lumapit mula sa kinaroroonan ko. Walang emosyon k

