Chapter 33: My father is alive TANGING malalim na paghinga na lang ang nagawa ko, at nang lalapitan ko na sana si Cheldon Chavez nang makarinig kami ng iilan na pagputok ng baril sa labas. Nakababahala iyon dahil sunod-sunod pa. Nagkatinginan kami ni dad, nagulat din siya at mababakasan na ng takot ang ekspresyon ng mukha niya. “So, daddy ganito ang mangyayari kung may makakaalam na iba?” Bahagya lang siyang tumango. “Dito ka muna.” Tatango na sana ako nang may naalala. “Si Chendra... Nandito siya, dad. Kailangan ko siyang hanapin!” natatarantang sigaw ko. Ngayon ko lang na-realize, na siya talaga ang dahilan kung bakit ako naglakas loob na puntahan na rito si daddy. Ngunit hindi ko naman inaasahan na nandito si dad. Bago pa lang ako lumabas ay mabilis na pinigilan ako ni daddy. “M

