Chapter 35: Sasha Grace Three years later PAGHIHILOM lang ng pamilya namin, iyon lang ang naisip ko noon kaya kami aalis ng bansa. Para na rin maipagamot namin si daddy, at bumalik na ang lakas niya. Sa loob ng tatlong taon, naka-recover na rin siya, halos isang taon din siyang nag-physical therapy. Mahirap sa umpisa, pero nakaya pa rin niya. Dahil sa determinasyon na gumaling siya nang tuluyan. Lalo na palagi siyang nabubuhayan ng lakas ng loob, dahil kasama niya kami. Si mommy, na walang sawang alagaan at aasikasuhin siya. Nakatutuwa lang, muli kong nakita ang sigla sa mga mata ng mommy ko. Hanggang ngayon daw ay parang hindi pa siya makapaniwala, na kasa-kasama na namin si dad, pero alam kong unti-unti niyang natatanggap na totoo ito. At sa amin naman ni Vladimier, naghiwalay ka

