Chapter 13: First plan
FINALLY, nagkaroon na ako ng day off, three days din iyon. Kagustuhan na rin iyon ng boss kong si Sir Vladimier at saka kailangan ko ring mag-report sa superior ko. Every week talaga ay may report kami, pero dahil nag-iisa lang akong bodyguard ay anytime ko naman ipapasa ang mga report ko.
As for now ay umuwi na muna ako sa bahay para naman maka-bonding ko si mommy. Nagkataon din na walang klase ang nakababatang kapatid ko at mas pinili niya rin ang umuwi.
Nauna lang si Chendro bago ako, kaya natuwa ang aming ina nang makita na halos magkasabay kaming umuwi. Na-miss ko rin naman sila, kaya susulitin ko ang natitirang oras ko na kasama sila.
“Hindi ka ba napi-pressure sa trabaho mo, anak?” Para sa akin ang tanong na iyon, nakatingin kasi sa akin si mommy.
Marahan akong umiling bago nagsalita, “Hindi naman masyado, mom. Huwag niyo po akong alalahanin.”
Nasa dining room kami ngayon, lunch time na nga kami dumating. ’Saktong nagluluto pa siya kaya ngayon ay sabay-sabay na kaming kumakain. Kami ang magkatabing nakaupo ni Chendro at nasa tapat namin si mommy.
“Nag-aalala talaga ako, lalo na ikaw lang ang ladyguard na kinuha nila. Tapos nakatira ka pa sa condo ng client niyo. Hindi ba puwedeng ilipat ka na lang sa kabilang condo? Sa tingin ko ay mas magandang idea iyon.” Mahina akong natawa sa tinuran ng aking ina. Mas nag-aalala yata siya, dahil kaming dalawa lang ng taong binabantayan ko ang nakatira sa isang bubong.
“Mommy, mabait naman po si Sir Vladimier. Gentleman po siya at saka may fiancé na po iyon. Wala po siyang gagawing masama sa akin, ako lang itong may motibo, pero sa magandang paraan naman po iyong akin. We’re seeking for justice,” sabi ko at nakita ko na naman ang pagiging emosyonal niya. Inabot ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa at nginitian niya. “Para kay dad, para lang po sa kaniya ang lahat ng ito, mom. Kaya ko po niri-risk ang buhay ko. Alam natin pareho na inosente si dad at hindi niya kayang itapon na lang ang pangako niya sa trabaho niya, sa atin.”
Lagi kong nakikita sa balintataw ko ang nakangiting imahe ni daddy at sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa kaniya ay nasasaktan lang ako.
“Mom, if ate fails in her mission, I’ll be the one to finish it. We won’t stop until we get justice for our family,” seryosong sabi naman ng kapatid ko. Tiningnan ko siya at tinanguan. Tinapik ko ang balikat niya.
“Yes, ikaw ang backup ko, Chendro,” nakangiting sabi ko. Narinig na lang namin ang pagbuntong-hininga ni mommy.
“Ako rin naman, mga anak. Gustong-gusto ko rin iyon. Pero natatakot lang ako sa puwedeng mangyari sa hinaharap. Alam ko naman na hindi kayo mabibigo sa misyon ninyo, dahil may paninindigan kayo sa buhay. Natatakot lang ako na baka mawalan na naman ako ng isa sa pinakamamahal ko. I’ve already lost your father, but I don’t think I could bear it if I were to lose you too,” she said sincerely. Ramdan ko agad ang takot at kaba sa dibdib niya. I can't blame her.
“Normal naman po ang makaramdam niyan, mommy. Ako rin po ay ganyan din. Ngunit inaalala ko palagi ang pangalan ng pamilya natin, ang reputasyon natin na nasira lang, dahil lang sa pamilyang iyon. Tayo naman po, tayo naman po ang gumawa ng paraan.” Matiim kong tinitigan ang mga mata niya, hanggang sa may tumulong luha sa kaniyang pisngi.
Tumayo ako upang lapitan siya at yumakap ako sa kaniyang likod. Hinalikan ko rin ang ibabaw ng ulo ng aking ina. Sumunod din si Chendro at yumakap sa amin.
“As the only man in our family, I’ll take daddy’s place. I’ll keep you safe, mom, ate,” he uttered. Napangiti lang ako sa narinig.
SA HULING araw lang ng day off ko saka ako pumunta sa headquarter namin. Ipinasa ko lang ang report ko sa desk ni Ma’am Leyla.
Pinuntahan ko ang dalawang kasama ko, nagdala rin ako ng cookies na gawa ni mommy. Nang makita nga ako ni Jamie ay alam na niya agad ang dala ko. Mabilis na inagaw niya iyon sa akin at bumalik sa sofa saka niya iyon binuksan.
“I call your mom later para magpasalamat, .C. Come here, babe!” Napailing na lang ako nang makitang nagsusubuan na silang dalawa. Wala talaga silang pinipiling lugar.
I stepped towards them and sat down the sofa. Nang makita ako ng mineral water ay kinuha ko iyon saka ko ininom.
“By the way, C. Narinig ko na may family dinner ang pamilya nila. Baka pag-uusapan na nila ang nalalapit na kasal ng kanilang mga anak.” Natigilan naman ako sa sinabi ni Klein.
“Kasal?” tanong ko kahit malinaw ko namang narinig ang sinabi niya.
“Maybe, dahil matagal na ang huling family dinner nila. After that ay iyong engagement party na nila. So, maybe this time ay schedule na ng kasal ang pag-uusapan nila,” he explained.
Ewan ko kung bakit nakaramdam ako nang kirot sa aking dibdib. Ipinilig ko na lang ang ulo ko.
“Kailan daw iyan?” I asked him. Dahil ito na ang pagkakataon namin para makapasok sa mansyon ng pamilya ni Sir Vladimier.
“Tonight, C,” seryosong sagot niya at sa isang tingin lang ay nagkaintindihan na agad kami.
“Well, tawagan mo siya to confirm na isasama ka ba niya, C,” sabat ni Jamie na ngumunguya ng cookies. Agad na akong napatayo at kinuha ang cell phone sa bulsa ng aking pantalon.
Hindi na nga ako nagdalawang isip pa na tawagan siya, naka-save naman ang number niya sa cell phone ko at mayroon din naman sa kaniya.
Narinig ko agad ang pagri-ring sa kabilang linya at ilang segundo lang ay boses na niya ang sunod kong narinig.
“Yes?” Base sa tono ng boses niya ay parang bagong gising lang siya.
“It’s me, sir,” sabi ko. Alam kong makikilala naman niya ako kahit sa boses lang.
“Oh, Chendra. Kumusta ang day off mo?” he asked.
“Maayos naman po. I heard na may family dinner kayo mamayang gabi? Dahil balak ko pong umuwi agad nang maaga.” Napahawak pa ako sa dibdib ko. Bumibilis yata ang pintig nito. Ganito talaga siya kapag kausap ko si Sir Vladimier.
“Hindi ako pupunta, Chendra. What if pumunta na lang tayo sa yate ng kaibigan ko?” Mas lalo lang lumakas ang kabog sa aking dibdib.
“But sir. Family dinner niyo iyon, don’t miss it,” I said to him. I heard him sighed.
“Every time may family dinner kami, kasal lang namin ni Agatha ang pag-uusapan at kapag may desisyon na ang lola ko ay wala na naman akong choice. Kaya mas magandang idea ang hindi ako pupunta. I have my own decisions, but they don’t care about that. What right do they have to control my life, Chendra?” Kahit sa kabilang linya ay nararamdaman ko ang lamig ng kaniyang boses, pero alam kong kalmado pa rin siya sa mga oras na ito. Hindi naman siya madalas nagpapakita ng kahit na ano’ng emosyon.
“Kailangan mong pumunta, sir. Isa ito sa realidad na kailangan mong harapin,” sabi ko sa kaniya.