CHAPTER 14

1297 Words
Chapter 14: Family dinner HINDI ko alam kung paano ko siya napilit na pumunta sa family dinner nila. Basta pagbalik ko sa condo niya ay siya agad ang pinuntahan ko. Nasa loob lang siya ng silid niya. Kahit rest day niya ay nagtatrabaho pa rin siya. Tambak palagi ang papers sa ibabaw ng kaniyang mesa. Minsan naiisip ko kung nakakapagbakasyon pa ba siya. Ngayon nga ay nagmamaneho na ako ng sasakyan niya. Nakaupo lang siya sa backseat. Nakabukas ang bintana at nakatukod doon ang kaniyang kaliwang braso. Malalim ang kaniyang iniisip, halos hindi na rin siya kumilos mula sa kinauupuan niya. Alam kong ayaw niya talagang pumunta, pero ito talaga ang chance ko na makapasok sa mansyon nila. “How could you do this to me, Chendra?” Napatingin agad ako sa rearview mirror nang bigla ay nagsalita siya. Nagsalubong pa ang aking kilay sa narinig. Parang aping-aping siya. “Pardon, sir?” “That you convinced me to do something against my will,” he answered at parang ngayon ko lang na-realize ang ginawa ko. Pinilit ko nga siya na pumunta sa family dinner nila at para din iyon sa plano kong paglalagay ng secret CCTV camera sa mansyon nila. “Sorry for interfering, sir. But they’re your family and you need to prioritize them now,” sambit ko at napabuntong-hininga siya. “Pamilya ko nga ba talaga sila na kontrolado nila ang buhay ko?” He laughed in sarcasm. “You can refuse, but why aren’t you doing anything? Why are you still letting them control your life?” I asked him. Kung labag talaga sa kalooban niya ay puwede naman siyang tumanggi. Puwede niyang sabihin sa pamilya niya na hindi siya magpapakasal sa babaeng hindi naman niya gusto. Nang sa ganoon ay hindi na siya pipilitin pa ng mga ito. “Dahil sa salitang pagpapahalaga sa pamilya?” Tila hindi pa siya sigurado sa kaniyang sinabi. “Ikaw na po ang nagsabi sa akin na may sarili kang desisyon. Kailangan mo lang panindigan ang mga sasabihin mo. Lahat naman po tayo ay may karapatan tumanggi sa mga bagay na alam nating hindi tayo magiging masaya. For sure, maiintindihan ka ng pamilya mo,” mahabang saad ko. Nagtama ang aming paningin sa rearview mirror. Ako lang ang unang nagbawi, dahil nagmamaneho nga ako. “Malalaman mo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako tumatanggi,” saad niya at hindi na uli siya nagsalita. When we arrived at our destination, the first thing I noticed was Sir Vladimier, rather than the beautiful mansion of his family. He just stared at the mansion, his face devoid of any expression, his lips tightly pursed. Nakaramdam na naman ako ng sundot ng konsensiya, dahil ayaw naman niya talagang pumunta rito. Ako lang ang namilit sa kaniya. “Uhm, may oras pa para umatras, sir,” nakangiwing saad ko. Nailipat tuloy ang tingin niya sa akin at napahalakhak pa siya. Mariin ko na lang naitikom ang aking bibig. “Sana kanina mo pa iyan sinabi, hindi iyong nandito na tayo. Baka mamaya niyan ay sabihan mo pa ako na duwag,” aniya at pinagtaasan pa niya ako ng kilay. Hindi na lamang ako nagsalita pa at hinihintay ko na lang ang final decision niya kung tutuloy pa ba kami o aalis na lang. “Pero kung ikaw ang nasa posisyon ko. Ano ang pipiliin mo, Chendra?” For a second I remained silent at tinitigan ko pa siya. “Nevermind. Mas pipiliin mo ang tumuloy, dahil ka naman katulad ko na duwag. Bakit pa ba ako nagtanong sa iyo? Tara na lang.” Ngayon ay Napa-pokerface na naman siya. Nang magsimula na siyang maglakad ay agad na akong sumunod sa kaniya. Inayos ko ang maliit na clip ng camera sa may bandang dibdib ko para makita nina Klein at Jamie ang nasa loob. “Ang laki ng bahay nila, C.” Boses iyon ni Jamie. May kinakain yata ang isang ito, dahil naririnig ko ang pagnguya niya ng kung ano man ang kinakain niya ngayon. Ang panlabas na dingding ay yari sa rusticong bato, na binakasak sa isang mainit na, honey-brown na kulay na tila kumikinang sa isang gintong ilaw. Ang isang malawak na daanan ay umaabot pataas sa pasukan, kung saan ang dalawang magarang kahoy na pinto ay nakatayo bilang bantay, na may mga mabibigat na bakal na panaklip at isang kumikinang na brass knocker sa hugis ng ulo ng leon. Ang mga pinto ay katabi ng dalawang malalaking haliging bato, na sumusuporta sa isang magandang arkong nagdaragdag sa kadakilaan ng mansyon. Kung titingnan mo nang mabuti ay makaluma ang mansion pero elegante pa ring tingnan. Para lang ako lang napapalibutan ng isang mundo ng napakalumang elegansya, na may mataas na kisame, mga kristal na chandelier at mga dingding na may mga larawan. “Magandang gabi po, Sir Elvis,” magalang na bati ng isa nilang kasambahay, hindi naglalayo sa edad na 30’s. Yumuko pa, tanda ng paggalang sa kaniyang amo. “Nasa dining room na ba sila?” tanong niya sa halip na gantihan ang pagbati nito sa kaniya. “Opo, sir. Kanina pa ho sila naghihintay sa iyong pagdating.” Tumingin pa sa akin si Sir Vladimier at nakita ko na lamang ang pagtaas ng sulok ng mga labi niya. Tila may naisip siyang kalokohan. Na malayo sa personalidad niya ang makipagbiruan. “What if ngayon na tayo aalis dito, Chendra? Nagbago na pala ang isip ko,” sabi niya na ikinakunot ng aking noo. Minsan ay hindi ko talaga siya maintindihan. Mahirap ding basahin ang emosyon na naglalaro sa kaniyang mga mata. Magugulat ka na lang sa salitang lalabas sa kaniyang bibig. “Sir, nandito na po tayo, e.” Muli lang siyang natawa. “Sabi ko na nga ba, hindi ka sasang-ayon.” “Sir, pinapatawag ka na po ng iyong ama,” sabi ng isang kasambahay na kadarating lang. “Let’s go, Chendra. Panoorin mo kung ano’ng klaseng pamilya ang mayroon ako at ang aking mapapangasawa.” Sumeryoso bigla ang tono ng boses niya at naitago na ulit ang mapaglaro niyang emosyon. Akala ko nga ay hindi na ako mapapansin ng mga taong nakaupo na at halatang naghihintay na rin sila kay Sir Vladimier. Matapos nga nilang tingnan ito ay nailipat sa akin ang kanilang atensyon, higit na si Agatha na fiancé niya. Ang sama nang tingin niya sa ’kin. Kung nakamamatay lang ang ganyang klaseng pagtitig ay baka nakabulagta na ako ngayon sa sahig. Hindi lang ako ang nakatayo sa likuran ng kaniyang boss. Dahil may kasama ring bodyguard ang pamilya ni Agatha. Buhay pa ang lola ni Sir Vladimier, pero naka-wheelchair na siya ngayon. Mukha naman siyang malakas. At kahit may edad na siya ay hindi man lang nawala ang naka-i-intimidate niyang aura. Istrikta pa rin siyang tingnan. “So, Vladimier, do you have any idea what we’re discussing?” his father asked him, nang magsimula na silang kumain. Ang daming pagkain ang nakahain sa mahaba at malaking mesa. “Puwede niyong sabihin nang diretso, dad. Hindi rin naman ako magtatagal dito,” malamig na sagot niya sa kaniyang ama. “Can everyone please step out? We’re going to discuss a family matter,” he said. Sumenyas ang isang ginang. Na sa tingin ko ay mayordoma ng kanilang mansion. Iginiya niya kami palabas ng dining room. Sa sala kami nito iniwan at napansin ko rin ang iba na lumabas. Napatingin ako sa hagdanan na nasa gitna, ngunit mahahati ito sa dalawa nang ilang hakbang lang. “Klein? Sa monitoring room na ba ako pupunta?” tanong ko at napapatingin sa mga bantay. Kahit nasa loob ay parang alerto pa rin ang pamilya nila. “Go if you can, C,” sagot ni Klein at huminga na muna ako nang malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD