CHAPTER 15

1269 Words
Chapter 15: Meeting Happy Gianna SA LAKI ng mansyon nila ay mukhang mahihirapan pa ako makarating sa pupuntahan kong silid. Na isa pa, iniiwasan ko ang mga camera na may naka-install sa kahit saang sulok pa. Baka sa mga oras na ito ay may nakabantay sa control room at ayokong panghinalaan ako. Hindi puwedeng wala, dahil isa iyon sa pinakaimportante sa kanila. Alam ko naman sinusuri nila ang kasulok-sulukan ng mansyon na ito. Kahit gaano pa sila kahigpit sa seguridad. “Kailangan mong magmadali, C. Bago pa man umalis si Mr. Amadeus, base pa lang sa inaakto niya kanina ay baka bigla siyang umalis sa family dinner nila. Mabilis pa namang magbago ang isip no’n,” narinig kong sabi ni Jamie na ikinatango ko lang. Walang duda na gagawin iyon ni Sir Vladimier. Ayaw na ayaw niyang nagtatagal sa isang lugar kung nandoon ang pamilya ng fiancé niya. “Makapasok ka lang sa control room ay ayos na, C. Iyong system lang nila ang papasukin natin.” Si Klein naman ang nagsalita. Malakas ang loob ko na gawin ang bagay na ito, dahil sa nag-iisa kong dahilan. Nandito na ako at kailangan kong magawa ang misyon ko. “All right,” sabi ko na lamang at huminga nang malalim. “Kung alam din natin ang blueprint ng mansyon nila ay hindi mahihirapan si C sa paghahanap ng control room. Pero hindi iyon ang habol natin, iyong system lang ng mga computer nila para makakonekta rin tayo sa CCTV camera,” mahabang saad naman ni Jamie at nag-usap pa sila ni Klein. Nagpatuloy naman ako sa paghahanap— “Dito kaya matutulog si Sir Vladimier?” Mabilis akong nagtago sa pader na nakaharang ang malaking vase at alam ko naman na hindi ako makikita ng dalawang kasambahay na nag-uusap ngayon. “Pinaglinis tayo kaninang umaga ng mommy niya sa kuwarto niya. Kaya baka nga matutulog siya rito,” sagot ng pangalawang kasambahay. Hindi pa rin ako kumilos mula sa pinagtataguan ko, hangga’t hindi ko nasisigurado na nakalayo na sila. “C, sige na umalis ka na riyan. Baka may panibagong maid ang aakyat diyan sa second floor,” utos ni Klein na agad kong sinunod. Kaya lang may nabangga ako na isang bata at napatili ito dahil bumagsak sa sahig. Mabilis kong dinaluhan at itinayo. “Are you okay, kiddo?” I asked her. Batang babae na kung hindi ako nagkakamali ay five years old lang siya. May hawak-hawak siyang manika at sa amo ng mukha niya ay pagkakamalan mo rin siyang isang manika. “I’m okay,” sagot nito at maliit talaga ang boses. Tinitigan ko ang mukha ng bata. Hindi ko siya kilala, meaning wala siya sa family background ng pamilya ni Sir Vladimier. “What happened, C? Nahuli ka ba?” Si Klein. “May batang babae, Klein.” “Next time ay magdala ka ng camera, pero mahahalata pa rin nila. Earpiece lang ang puwedeng gamitin ng mga bodyguard nila. Ipinagbawal ang camera for safety purposes na rin ng pamilya nila.” “But Hindi ko kilala ang bata,” sabi ko at tinitigan na rin ako ng batang babae. “I am Happy Gianna, five years old.” Kahit pabulong pa ang sinabi ko kanina ay narinig pa rin niya. “I knew it. Pamangkin siya ni Sir Vladimier, C. Anak siya ng pinsan nito. Mabait naman ’yan, pero aloof siya.” Napapisil ako sa tungki ng aking ilong. Ayos na rin naman na mahuli ng isang bata. Pero paano ko siya iiwan dito? “Miss, help mo po ako. Nawawala po ang alaga kong pusa,” sabi nito at hinawakan ang dalawang daliri ko. “Uhm, what?” I asked her. Ngumiti lang siya at hinila ako sa kung saan. “Maliit lang po ang pusa ko. Ano, baby pa lang siya pero malikot po siya.” Ibang bata yata ang tinutukoy ni Klein at hindi ang isang ito na sinabi niyang aloof. Dahil madaldal naman pala. “Go with the flow ka muna, C. Big help si baby girl. Kapag papasok kayo sa isang kuwarto ay may dahilan ka na.” “But seryoso ka ba na siya ang tinutukoy mong pamangkin ni Mr. Amadeus, Klein?” “Yes, si Happy Gianna. Anak nga siya ng pinsan ni Sir Vladimier sa side ng mommy niya.” “Ano ang pangalan ng alaga mo, Happy?” I asked the little girl. “Her name is Lucky po,” sagot niya at pasimple akong tumingin sa mga camera. Kahit kasama ko pa ang batang ito ay dapat hindi ako mahahagilap sa camera. Nagpaubaya lang ako kay Happy hanggang sa makarating kami sa kuwartong kanina ko pa hinahanap at walang bantay roon, na ikinapagtaka ko pa. “I found the control room, pero walang bantay.” “Masuwerte nga ang hinahanap niyong pusa, C. Sige na, chance mo na ’yan,” ani Jamie. Bumitaw agad sa akin si Happy at patakbong lumapit sa mga computer. “Ano po ito, miss?” inosenteng tanong niya at nag-tiptoe pa siya. Bago pa siya makapindot ng keyboard ay mabilis ko na siyang nilapitan at inilayo roon. Inilabas ko ang USB flash drive at basta ko na lang ang inaksak sa computer na naroroon. Narinig ko ang mabilis na pagtipa ng keyboard sa kabilang linya at alam kong hindi lang si Klein ang kumikilos ngayon. “Nakapasok na kami sa system. Pero C, paakyat sa second floor si Sir Vladimier. Hinahanap ka yata.” Boses iyon ni Jamie. Mabilis talaga silang magtrabaho, no wonder na magkasundo silang magkasintahan. Hinanap ko naman ang batang kasama ko, ngunit nabahala ako nang hindi ko siya makita. Tiningnan ko ang computer at hindi pa natatapos ang pagkopya no’n ng mga files. Napapitlag pa ako nang marinig ko ang boses ni Sir Vladimier. Gumamit siya ng earpiece. “Where are you you, Chendra? Umuwi na tayo,” sabi nito na hindi naman ako kumibo. Binantayan ko ang pinto at ang computer. “Sagutin mo siya, C.” “I can’t,” sagot ko. Nang makita kong tapos na mabilis kong tinanggal ang flash drive kasabay nang pagbukas ng pinto. Hindi si Sir Vladimier ang pumasok, kababalik lang yata ng bantay. “Sino ka? Ano’ng ginagawa mo rito?” seryosong tanong sa akin ng lalaki at naglakad ito palapit sa akin. Siya na yata ang bantay sa kuwartong ito. Sasagot pa lang sana ako nang sunod na pumasok ang lalaking kanina pa so hinahanap. “Chendra? Ano’ng ginagawa mo sa control room?” Makikita sa mga mata niya na naguguluhan siya. “Si Happy,” sambit ko sa pangalan ng batang kasama ko kanina at napatingin siya sa isang direksyon. Nang sundan ko iyon nang tingin ay naroon nga sa ilalim ng mesa si Happy, nasa maliit na bisig na nito ang alaga niyang pusa. “Miss! Nahanap ko na po si Lucky!” tuwang-tuwang sabi nito sa akin at kumaway pa. Saka naman niya napansin ang tito niya. “Oh, Uncle V!” Nilapitan niya ito at yumakap agad sa binti. “Nangungulit ka sa kaniya, Happy?” nakangiti nitong tanong sa pamangkin at binuhat niya ang bata. “Ay hindi po, uncle. Nagpa-help lang po ako na hanapin ang pusa ko!” sagot nito na sinabayan pa nang pag-iling. “Uh-huh? Is that true, Chendra?” he asked me. Tumango lang ako bilang sagot. “All right. Let’s get out of here bago pa tayo makita rito ni old man.” Sinenyasan pa niya ako at nauna na siyang lumabas na buhat-buhat ang kaniyang pamangkin. “Miss accomplished,” narinig kong sambit ni Jamie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD