Chapter 16: Drunk
NASA likuran lang nila ako habang naglalakad na kami at ihahatid niya yata ang bata sa kuwarto nito. Nag-uusap silang dalawa, pero hindi ko magawang pakinggan kung ano ang topic nila. Tinanggal niya yata ang earpiece niya, e.
Pasulyap-sulyap sa direksyon ko si Happy at kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin ay pabiro niyang hahampasin ang balikat ng tito niya, tapos bubulong pa siya rito. Ang malinaw kong naririnig ay ang pagbungisngis niya.
Huminto sila nang makarating sa isang pinto. Binuksan iyon ni Sir Vladimier.
“Just wait your parents here, Happy.” Ibinaba niya ang bata at hinawakan nito ang laylayan ng coat niya.
“Aalis ka na po agad, uncle?” nakangusong tanong nito. Gusto yatang maglambing ng bata.
“Opo. Dahil may work si uncle bukas. Kailangan niya raw matulog nang maaga,” paliwanag niya rito. No doubt na hindi bulol kung magsalita si Happy. Dahil hindi nila ito bini-baby talk. Dire-diretso rin kung magsalita.
“Make money ka rin po katulad ni daddy, uncle?” inosenteng tanong pa nito.
“Yes, baby. Let’s meet some other time, okay?” Hinalikan pa niya ang pisngi nito at muli nang napangiti ang bata. Nilingon pa ako nito at maging sa akin ay ngumiti rin siya.
“Uncle, girlfriend niyo po ba si miss?” pagtukoy nito sa ’kin at bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Ang bata-bata pa niya para isipin ang bagay na iyon.
He looked at me, before he turned his gaze on his niece. “I hope so, baby.” Hindi ko na naman narinig ang sinagot niya rito. “She’s my...uhm. Call her Tita Chendra, baby.” Tita? Hindi ba puwedeng ate na lang, kaysa tita? Sabagay ano naman ang masama kung tita ang itatawag sa ’kin ng pamangkin niya?
“Sige po! Bye, Tita Chendra, and Uncle V. Visit me po next time, alright?” Her uncle nodded for respond. Maingat na nitong isinara ang pinto saka niya ako binalingan.
“Let’s go home, Chendra. Kanina ko pa gustong umalis dito,” aniya, halatang gusto na nga niyang umalis.
Nauna na siyang naglakad at sumunod naman ako.
***
When we reached his condo, hindi pagpapahinga ang ginawa niya. Sa halip nga ay gusto niyang magpalakasing, dahil alak agad ang una niyang dinampot pagkauwi namin.
“Do you want to join me for a drink, Chendra?” he asked raising his wineglass.
“You told Happy you’d rest when you got home. So why are you drinking alcohol, sir?” I asked him. He let out a short laugh.
“Every time I come from home, alak ang takbuhan ko, Chendra. This is the only way for me to forget what my family and I discussed,” walang buhay na sagot niya.
He just poured some wine into his glass at mabilis niyang ininom nito. Sa hitsura pa lang niya ay alam kong mahirap siyang pigilan sa gusto niyang magpalakasing.
Ano ba ang pinag-usapan nila at ganito na lang siya kadesperado na makalimutan kung ang naging topic nila ng pamilya niya?
Huminga ako nang malalim at tinitigan ko siya. Umupo ako sa tabi niya, ngunit siniguro ko na may kalayuan pa rin ako sa kaniya. Sapat na rin upang maabot ko ang wine sa tabi niya.
Bago ko pa nga iyon makuha ay inunahan na niya ako. “Let me, Chendra,” anas niya. Inilapit ko lang sa kaniya ang wineglass ko at nagsalin na siya roon ng alak.
“Wala po ako sa posisyon para magtanong sa ’yo kung ano ang pinag-usapan ninyo ng pamilya ninyo, sir. Pero kung ano man po ang bumagabag sa inyo ay puwede ninyong isantabi muna. Kung isa ’yan sa problema ay may paraan naman po para solusyonan ’yan,” mahabang saad ko at tiningnan ko na muna ang laman ng aking baso ko saka ko ito nilagok.
Nalasahan ko agad ang pait ng alak, pero kapag tumatagal ay tumatamis na siya. Iyon nga lang medyo matapang at sa unang lagok ko pa lang ay parang nakaramdam na ako nang panghihilo.
Mariin akong napapikit. “Hindi ka ba sanay na uminom, Chendra?” tanong niya. Tila nahihimigan ko pa ang amusement sa boses niya. Umiling ako at napasandal na lang ako sa headrest ng upuan ko. “Pumasok ka na lang sa kuwarto mo, Chendra.”
Marahan akong umiling. Dito lang ako, kahit hindi ako sanay na uminom ang alak ay sasamahan ko pa rin siya. Umupo ako nang matuwid at ako na ang nagsalin ng maiinom ko. Hindi niya ako pinigilan at naramdaman ko lang ang paninitig niya sa ’kin.
“Let’s drink together and get wasted. When I pass out, just leave me here, sir,” I uttered and he chuckled.
“Paano ko naman gagawin iyon? Eh, ako ang dahilan kung bakit ka rin nagpapalakasing ngayon. But I appreciate this, Chendra. Thank you.”
“No probs,” tipid na sagot ko lang.
“Hindi ka ba magtatanong kung ano talaga ang pinag-usapan namin, para lang tumakbo ako sa alak at nang makalimot pansamantala?”
“May karapatan ba akong malaman ’yan, sir?” balik na tanong ko at natawa na naman siya. Kanina ko pa napapansin, na talagang napapatawa ko siya.
“Magkaibigan na tayo, ’di ba? Ikaw lang naman ang kauna-unahang babae na ginawa kong kaibigan. I feel safe with you because I don’s feel like you have any bad intentions towards me. That you’re just using me, Chendra.”
Parang may kumukurot sa dibdib ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit tila nasasaktan ako ngayon para sa kaniya. Oo, hindi masama ang motibo ko. Ngunit wala pa ring ipinagbago iyon, may dahilan ako kaya ako nasa posisyon ko ngayon. Parang ginagamit ko lang naman siya.
“What if wala po akong pinagkaiba sa mga taong kinamumuhian mo, sir? Magagawa mo ba akong patawarin kung darating ang isang araw na magagawa ko kayong saktan, sa kadahilanan na ginagamit ko rin kayo?” seryosong tanong ko sa kan’ya. Diretso ko rin siyang tinitigan sa mga mata niya.
Nakaiinis lang, wala akong mabasa na pagkabahala roon. Maaliwalas pa rin ang bukas ng guwapo niyang mukha at kampante pa rin siya.
“Depende kung mabigat ang magiging kasalanan mo sa akin, Chendra,” nakangiting sagot niya, muli akong napapikit nang mariin at hindi na lang ako umimik. Nagsunod-sunod lang ang pag-inom namin, hanggang sa nawalan na ako ng katinuan.
Inabot ko ang isang whiskey at wala ng laman nito, kaya nang mapatingin ako sa mga koleksyon niya ay napatayo ako.
“Kukuha pa ako ng isa, sir,” paalam ko. Ang boses ko ay parang inaantok na.
“No, that’s enough, Chendra. Marami ka na yatang nainom, e,” pigil niya sa akin. Tumayo rin siya at bago pa man ako makalapit doon ay nahawakan na niya ako sa siko. Iniupo niya agad ako sa sofa. “Stay here. Ipagtitimpla kita ng kape. Hindi yata magandang idea ang magpalakasing ka.”
Narinig ko ang yabag ng sapatos niya. Ang kagustuhan kong kumuha pa nga ng isa ay muli akong napatayo. Nang makakuha ay ang lawak-lawak pa ng ngiti ko. Naabutan pa rin niya ako na umiinom.
“Hey, that’s my wine!” sigaw ko dahil inilayo niya iyon sa akin.
“Ang kulit mo, ah,” komento niya at may inilapag siya sa harapan ko. “Sige na, magkape ka muna bago ka pumasok sa iyong silid.” Aabutin ko pa nga lang iyon nang ilipat ko sa ibang baso ang kamay ko. “Chendra!”
Frustrated na sumigaw na nga siya at tuluyan na niyang inilayo iyon. Hindi ko na napigilan ang matawa at binalingan siya.
Nang magtama ulit ang aming paningin ay una kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Hanggang sa bumilis na lang ang t***k ng puso ko.
Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. God, bakit ganoon iyon kapula? At kumikintab pa?
“Tara, ihahatid na nga lang kita sa kuwarto mo. Bago pa may mangyari dito sa ’yo, e,” sabi niya at nang hawakan niya ako sa balikat ay nagpumiglas ako. “Chendra.”
Gamit ang mapupungay kong mga mata ay pinasadahan ko ulit siya nang tingin at hindi ko na namalayan pa na unti-unti na akong nakalapit sa kaniya. Parang hindi na rin siya makagalaw pa at napatitig na lang sa mukha ko.
I reached out and caressed his cheek, and I even heard him whisper my own name. I’m confused about what I’m feeling right now, it’s like I want to kiss him.
Napapikit ako nang maramdaman kong hinahaplos na rin niya ang pisngi ko at dahan-dahan ko nang nararamdaman ang paglapit ng mukha niya sa akin. Tumatama sa akin ang naghalo-halong amoy ng alak at natural na amoy niya.
“Vladimier,” I uttered his name. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na sinambit ko ang pangalan niya na maririnig niya.
“What are you thinking, hmm?” tanong niya, na parang ang lambing ng boses niya.
‘Get a hold of yourself, Chendra. He’s your boss!’ sigaw ng isip ko.
Bago pa ako magpadala sa damdamin ko ay ako na ang kusang dumistansya at napahinga nang malalim.
Pero hindi na niya ako hinayaan na makawala pa, dahil nang hilahin niya ang kamay ko ay dumikit na ang labi niya sa ’kin. Dahilan na nanlaki ang mga mata ko.