CHAPTER 17

2002 Words
Chapter 17: First kiss AT FIRST, our lips were just touching, but eventually, he started moving, and I didn’t know what to do until I started following the movements of his lips. Pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya at nagpadala na ako sa sarili kong emosyon. Kakaibang pakiramdam na parang napapaso ako sa bawat paghalik niya sa akin. Ang kamay niyang nasa batok ko na at hinahapit niya lang ako palapit sa kaniya. Hanggang sa dahan-dahan na niya akong hiniga sa sofa at nasa ibabaw ko na siya. Nagpaubaya ako sa mga haplos ng labi niyang bumababa sa aking panga, pababa pa sa leeg ko at umabot ito sa balikat ko. Mariin niya lang ulit ako hinalikan at saka lang kami lumayo sa isa’t isa nang wala na kaming malalanghap na hangin. Ramdam ko agad ang pamamaga ng mga labi ko. “You’re driving me crazy, Chendra,” bulong niya at masuyo pa niyang hinalikan ang pisngi ko. Ang kamay niyang nagtaas-baba sa baywang ko, ngunit hanggang doon lang iyon. Hindi niya pa rin ako hinawakan sa sensitibong parte ng aking katawan. “Vladimier...” muli kong sambit sa pangalan niya at nakita ko ang pagngiti niya. Umalis siya sa ibabaw ko para lang ayusin ang pagkakahiga ko at hindi na siya umalis sa tabi ko. Ginawa niyang unan ang kanang braso niya at dahil doon ay dumikit ang pisngi ko sa matigas niyang dibdib. Dinig na ring ko ang mabilis na pintig ng puso niya. Normal pa ba iyon? Pero maging sa akin ay ganoon din kabilis ang t***k nito. “Let’s sleep this way, Chendra,” sambit niya at ang isa pa niyang braso ay yumakap sa aking baywang. Nakakatwang pangyayari, nagsisiksikan kami sa isang sofa, pero ang komportable pa rin namin dito. Hindi na bale kung maliit lang ang sofa. Siguro dahil magkayakap kaming dalawa? Sa halip na mag-complain pa ako ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Dahil na rin sa dami ng alak na nainom ko ay mabilis akong dinalaw ng antok. Ang huli ko lang naramdaman ay ang paghalik niya sa sentido ko, may binulong pa siya na hindi ko na naintindihan pa. **** NAGISING ako kinabukasan na parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko. Nang sinubukan kong bumangon ay hindi ko magawang igalaw ang aking katawan. Hanggang sa napatingin ako sa katabi ko. Ilang beses pa akong napakurap-kurap. Si Sir Vladimier ang katabi kong natulog kagabi at bakit magkayakap pa kaming dalawa? Natutulog pa siya, dahil nakapikit pa nga ang mga mata niya. Sa lapit ng mukha niya sa akin ay malinaw kong nakikita ang guwapo niyang mukha. Wala siyang pores sa pisngi niya, matangos ang ilong niya. I stared at his lips at isang eksena ang bigla na lang pumasok sa isip ko. Napatakip ako sa bibig ko para lang mapadaing sa sakit, ang hapdi at tila mamamaga rin. I took a deep breath at dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa aking baywang. Ngunit sa ginawa ko ay bigla siyang napadilat. Hinigit niya lang ako palapit sa kaniya at mas hinigpitan niya rin ang yakap sa akin. “Sir Vladimier,” sambit ko sa kaniyang pangalan. “Five minutes, please. Gusto ko munang ipahinga ang mga mata ko. Kanina pa kita pinagmamasdan habang tulog ka.” Kumislot tuloy ang puso ko sa narinig. Nagising na siya kanina, pero hindi man lang siya nag-abalang gisingin ako. Ngayon ay naalala ko na ang nangyari. Goodness, bakit ba nangyari iyon? Bakit ko hinayaan na halikan niya ako? “B-Bakit hindi mo ako ginising?” “Wala naman akong puso kapag ginawa ko iyon, Chendra. Ang himbing ng tulog mo, e.” “But we need to get up, sir. May trabaho pa kayo, ’di ba?” “Ano naman? Mas gusto ko pa rito, e. Payapa.” “But Sir Vladimier—sir!” bulalas ko nang sumiksik siya sa leeg ko. Naramdaman ko pa ang singhot niya na para bang inaamoy niya rin ako. Bigla tuloy akong na-conscious sa sarili kong amoy. “I love your scent,” sambit niya at may kung ano akong naramdaman na kiliti, dahil kiniskis niya ang tungki ng ilong niya sa balat ko. Mas nagbibigay lang iyon sa akin ng panibagong kiliti. “Sir Vladimier, why are we doing this?” mahinang tanong ko sa kaniya. “Because this is what we want. I also feel that you’re attracted to me too.” “Paano ka naman po nakakasigurado riyan?” “Hinayaan mo akong halikan ka kagabi. You didn’t complain, Chendra.” “But I was drunk last night. Wala na po ako sa katinuang pag-iisip, Sir Vladimier.” “I said hindi ka nag-complain. Chendra, kahit gaano ka pa kalasing. Kung ayaw mo ay puwede ka namang umayaw. Puwede mo akong itulak.” Napahilot na lang ako sa sentido ko. Ano ba itong pinasok ko? Parang isang mabigat na problema at ginawa ko lang komplikado. Naramdaman ko ulit ang paninitig niya sa akin at matapang kong sinalubong iyon. Ngumiti siya, dahilan na bumilis na naman ang t***k ng puso ko. “Hindi ba masakit ang ulo mo? Hindi ka pa nakararamdam ng hangover?” “I do, pero mas masarap sa pakiramdam ang nakahiga lang dito.” Ang pagiging straight forward niya ay puwede akong atakehin sa puso. Kung mayroon lang talaga akong sakit. Namilipit sa sakit ang tiyan ko, dahil nagugutom na ako, e. “I’m hungry,” nahihiyang sambit ko. “Ah, right. Hindi ka pala nakapag-dinner kagabi!” sigaw niya at nakahinga na ako nang maluwag nang bumangon na rin siya. Bumangon na rin ako at inayos ang nagulo kong buhok. “I’ll cook for our breakfast.” Tipid lang akong tumango. “Chendra.” “Hmm?” tugon ko lang nang hindi ko siya tinitingnan. “Chendra?” muling tawag niya sa akin. Ang kulit niya rin, eh ’no? “Ano?” Nag-angat na ako nang tingin sa kaniya, pero mali lang pala ang ginawa ko. Because the moment our eyes met, he bent down and kissed me. Nabigla ako roon. Bago ko pa nga siya maitulak ay nakalayo na siya. Napahawak pa ako sa labi ko na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin siya. Nang tingnan ko siya ay kumindat lang siya sa akin saka siya umalis. Napasabunot na lang ako sa aking buhok. Wala sa plano ko ito, ang magkaroon ng intimate na relasyon kasama ang boss ko at bakit siya pa? May fiancé na iyon. Nagtungo na lang ako sa kuwarto ko at naisip kong tawagan na lang si Klein. Kaya lang ay hindi siya sumasagot. Busy pa yata siya. Inilapag ko lang sa kama ang phone ko at pumasok sa banyo. Hindi na muna ako naligo, dahil baka magtagal ako rito. Ayokong aakyat na naman ang boss ko, para lang tawagin ako na kakain na. Inayos ko lang ang damit buhok ko at iniiwasan kong makita ang labi kong namamaga. *** NANG kumakain na kami ay todo asikaso na naman siya at ang hilig niyang gawin ay panoorin ako. Hindi ko naman siya magawang sitahin, dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi. Ang plano ko lang naman ay samahan siyang uminom, pero wala. Nalasing pa rin ako sa dami nang nainom ko. “Hindi na ba masakit ang ulo mo, Chendra? Wala Ka Ng hangover?” Marahan lang akong umiling bilang tugon. “Huwag mo sana akong iwasan, Chendra.” “Hindi ko naman po gagawin iyon, sir,” sagot ko lang na tila naging sapat na sa kaniya. Dahil napangiti pa siya. “Mabuti na lang kung ganoon. Mawawalan pa ako ng espesyal na kaibigan.” “P-Po? Espesyal?” gulat na tanong ko. He just shook his head. “Kumain ka na lang diyan, Chendra.” Tinitigan ko pa siya, wala na rin yata siyang balak na ipaliwanag sa akin. Kung ano ang ibig niyang sabihin sa espesyal. I didn’t bother asking him further and just ate instead. I was really starving because I didn’t get to eat dinner last night. And hopefully, what happened between us won’t happen again, because I might lose my job for good and won’t be able to clear my father’s name. I’m just starting out now. I’m probably in denial too about how I feel about him. I wish I could still control this. I don’t want my dreams to be ruined because I prioritized my own feelings. *** PAGDATING niya sa kompanya ay naging busy na naman siya. Napapansin ko na parang sinasadya niyang maging abala siya sa mga papel na nakatambak halos araw-araw. Nagtataka na ako, kung bakit ganyan siya kung magtrabaho. Kung magtatanong ako ay alam ko naman na sasagutin niya ako. Pero nahihiya pa rin ako, naalala ko lang ang nangyari last night. Pinilig ko na lamang ang aking ulo at bumuntong-hininga. Dahil doon ay napansin na niya ako. “What’s wrong, Chendra?” Napabaling ako sa nagsalita. “Nothing, sir,” magalang na sagot ko. Narinig ko ang pahinga niya nang malalim at sumandal siya sa kinauupuan niya. “Come here, Chendra.” Nag-iwas ako nang tingin at hindi ko siya sinunod. “Chendra.” I sighed, bago pa man ako makalapit sa kaniya ay bumukas na ang pinto at pumasok din ang fiancé niya. Lagi na lang nagpapakita ang fiancé niya, kulang na lang ay araw-arawin niya. “Elvis,” tawag nito at sinulyapan pa ako saka nilampasan. Nagawa pa nga niyang banggain ang balikat ko, bahagya lang akong gumalaw. “Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Sir Vladimier. “Huwag mong kalimutan na may lakad tayo bukas. Magpapasukat na tayo ng damit natin para sa kasal.” I looked at them para lang magtama ang aming paningin ng boss ko, kaya sa pangalawang pagkakataon ay napaiwas ako nang tingin. Siguro, iyon ang pinag-usapan nila kagabi. Na gusto na ng pamilya nila na ikasal sila as soon as possible. “Aga—” “Miss, puwede bang bilhan mo ako ng kape sa labas?” “Agatha—” “May pag-uusapan tayo, babe. Na hindi na kailangan ang presensiya ng ladyguard mo. Dapat nga ay sa labas lang siya.” Ayokong makita pa ang pag-aaway nila kaya nagpaalam na ako na lalabas na. Kahit tinawag pa ako ni Sir Vladimier ay hindi ko na siya pinansin pa. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko, kahit parang may nararamdaman akong inis. Ewan ko ba kung ano ang dahilan nitong inis ko. “Chendra.” Inayos ko ang earpiece ko nang marinig ko ang boses niya. Pinindot ko ang button ng elevator at pababa pa lang sana ako. “Sir?” I respond. “Come back here. Something feels off, Chendra.” “You didn’t leave the office, did you, sir?” Ako ang kinakabahan sa kaniya. Mamaya niyan ay mapansin ng fiancé niya na nagwo-worry siya sa ’kin. “Come back right away, Chendra.” Nang bumukas ang pinto ng elevator ay pahinto na ako. Dahil ang boses niya ay punong-puno na ng awtoridad. “Chendra, nasaan ka ngayon?” Sunod kong narinig ang boses ni Klein. Hindi na siguro siya busy ngayon. Narinig niya rin siguro ang pag-uusap namin ng boss ko through earpiece. “Klein palabas pa lang ako.” “Sabi kong huwag kang lalabas ng building, Chendra!” sigaw ni Sir Vladimier sa kabilang linya. “Klein, can you check the area?” Sa halip na makinig ako ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at nang nakalabas na ako ay pinasadahan ko nang tingin ang paligid. Hanggang sa napatingin ako sa isang motorbike at kitang-kita ko kung paano nito itinutok nito sa akin ang baril. Kaya bago pa man ako mabaril nito ay mabilis na akong naghanap ng matataguan ko. Mabilis ko ring hinablot ang baril ko sa likuran. The next thing I knew, there was a loud gunshot, and I found myself firing back. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang malulutong na mura ng dalawang lalaki mula sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD