Chapter 20: Confession NAGLAHAD ng kamay sa akin si Vladimier pagkarating namin sa yate ng kaibigan niya. Napilit na naman niya akong pumunta rito. Sinabi ko na sa kaniya na kailangan naming magplano at saka lang siya kikilos kung magaling na ba raw ang sugat ko. Kaya pumayag ako na sumama sa kan’ya ngayon. Napahinga ako nang malalim. Bago ko pa nga lang tanggapin ang kamay niya ay siya na mismo ang kumuha nito. Napailing ako. Pareho kaming nakasuot ngayon ng kaswal. Dahil palihim din kaming umalis sa condominium. Gayunpaman ay nakabantay sa area sina Klein at Jamie. Pagdating sa yate ay alam ko namang safe na roon. Maraming security guard ang kaibigan niya. “Finally nandiyan na kayo,” nakangiting salubong sa amin ni Kennedy. “Where’s T? Wala siya rito?” Vladimier asked his friend,

