Chapter 19: Chance
WHEN he saw me getting up while I was clearing the dishes he asked, “What are you doing?”
“I’m just taking these to the kitchen. Huhugasan ko na rin,” I replied. His brows furrowed, and he gave me a sharp look.
Tumayo siya at mahina niyang tinampal ang kamay ko. “Huwag matigas ang ulo, Chendra. Magpahinga ka muna, baka mabinat ka. As if ay hahayaan kitang kumilos diyan?” malamig na sabi niya.
Sa dilim ng aura niya ay parang wala akong choice kundi ang sumunod sa kaniya.
“Okay,” mahinang sabi ko. Itinaas niya ang kumot ko kahit nakaupo lang naman ako.
“I’ll be back,” wika niya at iniwan na ako sa aking kuwarto. Narinig ko pa ang pagsara ng pinto, hindi ko na iyon pinansin pa.
Itinaas ko ang suot kong t-shirt. Maluwag siya, pero alam kong siya ang nagpalit ng damit ko. Tiningnan ko ang sugat ko. Napanguso ako, dahil halos mapuno na ng dugo ko ang gasa.
Kaya naman pala babalik siya ay marahil papalitan niya ito. Marunong naman akong magpalit ng gasa. Isa ito sa mga itinuro sa amin noong under training pa lang ako. CPR and basic first aid.
Kumilos na ako kahit nahihirapan. Kumikirot din kapag gumagalaw ako. Nasa bedside lang ang mga gamit.
Nagawa kong abutin iyon at bahagya kong itinaas ang laylayan ng damit ko. Bago ko pa lang matanggal iyon ay bumukas na ang pinto. Natatarantang ibinaba ko ang damit ko.
Alam kong nakita naman niya ang katawan ko. Pero nakahihiya pa rin na makitang may malay na talaga ako.
“I’ll take care of it, Chendra. I’ll clean your wound again.” Humakbang siya palapit sa kama. Diretso lang ang tingin sa akin. Mukha naman siyang kalmado.
“Hindi na kailangan. Kaya ko namang gawin ito.”
“Ako na.”
“Eh, ako na.” Nang tuluyan na siyang nakalapit ay pabagsak pa siyang umupo sa gilid.
Napadaing ako, dahil ako iyong nag-bounce sa kama. Kung hindi niya lang mabilis nahawakan ang aking siko ay napahiga na ako.
“Tsk. Hindi ka nga makaupo nang maayos, e,” naiiling na sabi niya.
“Bakit kasi ganoon ka kung umupo?” paninisi ko sa kaniya. Nakahawak na ako sa tagiliran ko. Nabitiwan ko kanina ang gasa at iyon ang kinuha niya.
“Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo, Chendra? Nandito naman ako, isang utos mo lang ay susundin ko na agad,” aniya. Nakaiinis, ganito na agad siya. Ang bilis magbago ng pakikitungo niya sa akin. Hays.
“I can’t do that. Walang bodyguard ang nang-uutos sa boss niya,” kaswal na sabi ko.
“There is,” he said. Gusto ko sanang umatras nang umusog siya palapit sa ’kin. Pero hindi naman niya ako hahayaan na lumayo. “Hold this for me, Chendra.”
Nagpakawala ako ng hangin sa bibig. May sugat na ako lahat-lahat. Naririnig ko pa rin ang mabilis na pintig ng puso ko.
Maingat niyang pinalitan ang gasa at talagang malambot ang kamay niya. Wala akong naramdaman na pananakit doon habang ginagawa niya iyon.
Nakatitig lang din ako sa mukha niya. Seryoso pa rin at focus sa ginagawa niya. Nang makita ko ang hibla ng buhok niya sa noo ay itinaas ko ang kaliwang kamay ko.
Natigilan siya nang hinawi ko iyon. Ipinagpatuloy ko ang paghawi ko sa buhok niya at hindi ko binigyan ng pansin ang pagtitig niya.
Napahinto lang ako nang hinawakan niya ang kamay ko at doon lang ako napatingin sa kaniya. Nagawa kong ngumiti, iyong ngiti na hindi nag-aalinlangan.
“You really have a way of making me fall for you even more,” he said. Nagulat na lang ako nang kinabig niya ang batok ko. Mariin niya akong hinalikan at napapikit ako.
Nang muli kong naramdaman ang malambot at matamis niyang labi ay nagpaubaya ako. I kissed him back and wrapped my arms around his neck.
His hands slid down to my waist, pulling me closer until there was no space left between us. Every beat of my heart felt loud in the quiet room, every breath we took tangled together like we were the only two people in the world.
Humihingal kami pareho nang tumigil kami at hindi ko namalayan na nakahiga na pala ako. Nasa ibabaw ko siya. Ramdam ko iyong init ng katawan niya, iyong mabilis niyang paghinga at iyong pagkakapit niya sa akin na parang ayaw bumitaw.
“Shít, kailangan nating huminto,” sabi niya, medyo nanginginig ang boses. Hindi ko alam kung dahil sa excitement o sa bigat ng nangyayari.
Tumango lang ako at muli niyang sinuri ang sugat ko, saka siya dahan-dahan na humiga sa tabi ko.
“Go back to your room, sir.” Marahas na napatingin siya sa ’kin.
“Seriously, Chendra? We already tapos iyan pa ang itatawag mo sa akin?”
“We may have kissed, pero ang relasyon natin ay isa pa ring boss at bodyguard.”
He seemed irritated with me, so he left the bed. Pinukulan pa niya ako ng masamang tingin.
“You’re so heartless, Chendra. You don’t care about me at all.” Ngumiti ako. “Huwag mo akong nginitian,” malamig na suway niya at sinunod ko naman siya.
Akala ko ay lalabas na siya, pero bumalik lang siya sa tabi ko. Nakaupo lang siya at hinawakan niya ang kamay ko. Matagal niya akong pinagmamasdan, na para bang may sasabihin siya.
“May sasabihin ka?”
“Can I asked you something?” he asked and I just nodded.
“Once I’m able to end my engagement with Agatha, and I’m finally free… If I ask for your hand, will you give it to me? If I say I’m leaving, will you come with me, Chendra? Do I even have a chance, if ever?” Nasa boses niya ang tila desperado siya at talagang nakikiusap.
Napaisip naman ako. Bakit nga ba nasa ganito akong sitwasyon? May purpose ako, kaya...
Tiningnan ko siya. Nasa mga mata pa rin niya ang pagsusumamo. “Give me a reason why I should give you a chance, sir? And of all people, bakit sa akin ka pa magkakagusto? Bakit hindi sa fiancé mo?”
“Hindi ko pa ba nasagot ang mga tanong na iyan, Chendra?” nakataas ang kilay na tanong niya.
“All I know is that I like you, and I feel at peace whenever I’m with you. I don’t know how it started it just did,” he confessed.
I looked at him, trying to read between the lines, trying to find something, anything that would make this all make sense.
“You can’t just drop something like that and expect me to fall into your arms,” I said, trying to keep my voice steady. “This isn’t some movie where feelings magically fix everything. You’re engaged, and I’m not some girl you can run to just because you’re confused.” Umiling ako at umigting naman ang panga niya.
“I’m not confused. I’m telling the truth,” aniya. My chest tightened. Why did his words have to sound so right and so wrong at the same time? Nakaka-guilty. Dahil ako, may ibang kapalit kaya naging bodyguard niya ako. “May chance ba ako sa ’yo, Chendra?”
“I have a secret. I can’t tell you yet, but if you’re still willing to accept me after knowing it… I’ll give you a chance, Vladimier. But for now, let’s set our feelings aside,” pahayag ko sa kaniya. Sana naman ay maintindihan niya.
“I understand,” he uttered. “I’ll wait. No matter how long it takes.”
I nodded slowly, forcing a small smile. “Don’t wait for me with expectations. I’m not sure what’s waiting at the end of this, either.”
“But I want it to be you,” he replied.
I didn’t answer that. I couldn’t. Because deep down, I wanted it to be him too. But some truths aren’t easy to share, especially when they have the power to change everything.
Baka kamumuhian niya ako balang araw at ayokong mangyari iyon. Isa na iyon sa kinakatakutan ko.
“Chendra, ibig bang sabihin no’n ay may nararamdaman ka rin sa akin? Paano kung sabihin ko sa ’yo na wala akong pakialam sa secret mo?”
Inilingan ko siya. “Kapag naka-recover ako ay pag-uusapan natin ang plano.”
“About the incident? Ano ba ang gagawin natin?”
“Talk to your fiancé.”
“Huh? Why is that? Ayokong makausap—”
“You need to, sir,” mariin na sabi ko. Tumango lang siya.
Muli siyang humiga sa tabi ko at hinahawakan ang kanang kamay ko. “Whatever your secret is, I’m sure I can accept it.”
“You might end up saying na nagsisisi kang nakilala ako,” dugtong ko at nainis na naman siya.
“Stop it, will you? Magpahinga ka na lang, Chendra. Ang daldal mo ngayon.” I sighed.