Chapter Seven

2477 Words
— Zhanaira — “Alam mo naman na dito nag-aaral si Leika 'di ba?” tanong ni Yuri habang nag-aayos na kami ng gamit. Natigilan ako. “Makakaharap mo siya oras na makalabas siya ng hospital!” Bakit ko nga ba nakalimutan na dito rin siya nag-aaral? Napatawa na lang ako nang mahina. 'Yung pinang-aaral niya rito ay mga pera at sahod ko. Ang galing-galing naman, tapos ako hanggang public school lang. Tiningnan ko ang schedule ko at may one hour vacant time pa pala ako. “Mauna na 'ko sa 'yo,” paalam ko sa kaniya para makita ko pa ang anim. “Okay, sige. May klase na rin kasi ako,” sagot niya na ikinatango ko. Yumakap muna kami sa isa't isa bago naglakad paalis. Saan ko naman kaya makikita ngayon ang anim? Kung may cellphone lang ako, e. Magpabili kaya ako kay Zack? Joke! “Aw! Shit.” “Hala, sorry!” Muntik na 'kong mapatili nang may nabunggo ako. Nahulog lahat ng mabibigat na librong hawak niya. Muntik pang mabagsakan ang paa ko, buti na lang at nakaiwas ako. “Hala, sorry talaga!” sabi ko at mabilis na lumuhod para tulungan siya sa pagkuha sa mga libro. “Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?” inis na tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. “Kuya, hindi naman kita mababangga kung nakatingin ka rin sa dinadaanan mo,” sagot ko at tiningnan siya, sakto namang nag-angat siya ng ulo kaya nakita ko na ang mukha niya. Guwapo siya, as in. Parang wala pa akong pangit na nakikita sa University na 'to, ha? Swerte ko na ba niyon? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ngayon ko palang siya nakita pero bakit ganito na agad ang puso ko? Baka naman kinakabahan lang ako dahil parang masungit siya.. Oo, 'yon nga. “Hindi ko makita nang maayos 'yung daan dahil nakaharang 'yung mga libro sa tapat ng mukha ko. Okay ka na?” kunot noong sabi niya at nakipulot na rin ng libro. “f**k! Bakit kasi ako ang pinagdala ng mga 'to?” inis niyang dugtong na ikinakibit balikat ko na lang. “Tutulungan na lang kita,” presinta ko at binuhat na ang mga napulot ko. “Bakit naman sobrang dami nito? Hindi ka man lang nagsama ng tutulong sa 'yo,” tanong ko. “Walang kang pakialam, okay?” masungit pa rin na sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. Edi okay. Tumayo akong buhat buhat ang mga libro na hanggang ibabaw ng dibdib ko ang taas. Naglakad na siya kaya sumabay na 'ko sa kaniya. Akala ko pa naman sasabihin niyang kahit huwag na dahil babae ako pero... akala ko lang pala 'yon, umasa lang ako. Joke, it was okay! “Zhanaira!” Muntik ko nang mahulog ang mga librong buhat-buhat ko nang may sumigaw sa pangalan ko. Napalingon-lingon ako at hinanap kung sino 'yon. Nagulat na lang ako nang may mabilis na umagaw ng mga libro sa akin. “Bakit ka nagbubuhat ng mga 'yan?” taas kilay na tanong ni Ice sa 'kin. “Baka maputol ang mga buto mo! Hindi ka pa naman gano'n kalaman.” Hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso ba si Cedrick sa sinabi niyang 'yon kaya pinanliitan ko na lang siya ng mata. “Wait, did I hear it right? You called her Zhanaira?” kunot-noong tanong ng lalaki at tiningnan ako. Nagkatinginan naman ang anim at hindi nakasagot. Ano namang problema sa pangalan ko? “Ah, nevermind, maybe they just have the same name,” he murmured at muling bumalik sa walang expression ang mukha niya. “Ba't mo naman siya pinagbubuhat niyan? Gawain mo 'yan, 'di ba?” inis namang tanong ni Raiven do'n sa lalaki na walang gana lang siyang tiningnan. “So? She volunteered. Masamang tumanggi sa tulong,” bored na sagot niya at tumingin sa 'kin. “Right, miss?” Hindi agad ako nakasagot dahil tinitingnan ko pa nang maigi ang mukha niya. Bakit parang... “Zhanaira?” Napatigil ako sa pag-iisip nang kalabitin nila 'ko. “Ah— oo, I volunteered. Nabangga ko kasi siya kaya nahulog ang mga dala niya,” napapayukong sagot ko dahil sa hiya. “Kahit na,” singit ni Zack at inagaw ang mga libro kay Ice. “You can carry that, Ace.” Ipinatong niya ang mga libro sa mga buhat ng lalaking tinawag niyang Ace. Ace... Napaatras ako at muntik nang matumba nang biglang kumirot ang ulo ko. “f**k, are you okay?” gulat na tanong ni Zack at mabilis akong hinawakan. “What happened?” tanong naman ni Ice at nilapitan na rin ako. Napapikit ako nang mariin at umiling. Nawala na ang kirot na naramdaman ko kanina kaya tumayo na ako nang tuwid. “W-Wala, bigla lang akong nahilo,” sagot ko at tipid na ngumiti. “Ayos lang ako.” Pumalatak si Ace at mabilis kaming tinalikuran. Naglakad na siya paalis at naiwan na lang kami rito. “May vacant time ka rin?” tanong ni Ice sa 'kin na ikinatango ko. “Nice. Meron din kami,” sabi niya na ikinangiti ko na lang. “Saan mo gusto pumunta?” tanong ni Cedrick kaya napaisip ako. “Mas gusto kong tumambay sa library,” sagot ko at ngumiti. Napangiwi naman sila. “Hindi naman tayo makakapag-ingay ro'n,” nakasimangot na sabi ni Fire at naglakad na. Natawa na lang ako saka kami sabay-sabay na naglakad. “Kung saan n'yo na lang gusto o kaya ilibot n'yo na lang ako rito.” “Pwede rin,” sagot ni Railey at tumango. “Sino pala 'yung lalaki kanina?” tanong ko sa kanila. “He's King Ace Lacosta,” sagot ni Ice. Tumango ako pero agad ding napapikit nang mariin matapos kumirot na naman ang ulo ko. Shit! Magkakasakit ba 'ko? Bakit ganito? Mukhang hindi nila nahalata ang pagpikit ko nang mariin kaya sinubukan kong umaktong normal pa rin at tumingin kay Zack na seryoso lang na naglalakad. Humakbang pa ako nang ilan at sumabay sa kaniya. “Bakit ang tahimik mo yata? Wala ka ba sa mood?” tanong ko at tumingala para tingnan ang mukha niya. Tangkad kasi. Napatingin siya sa 'kin pero agad ding binalik sa daan ang tingin niya. “Nothing, I'm just thinking.” Napatango ako at tumingin na rin sa daan. “About?” panibagong tanong ko. Hindi siya sumagot kaya nakagat ko na lang ang labi ko at hindi na nagsalita pa. “Hindi ka pa rin ba ready magkwento sa 'min, Zhanaira?” biglang tanong ni Raiven kaya napatingin ako sa kaniya habang napatingin naman silang lahat sa 'kin. Umiling-iling ako. “Next time na lang,” mahinang sagot ko. Dahan-dahan silang tumango at tumingin ulit sa daan. “Kahit kaunting info lang about you,” sabi naman ni Ice. Nag-isip muna ako at tumango na lang. “I'm just an adopted girl. Six years old ako nang mapulot ako nila Tita Hellena sa kalsada. Sa squater area lang kami nakatira,” sagot ko dahilan para mapatingin na naman silang lahat sa 'kin. “Really? E, paano naman nila nalaman na six years old ka lang niyon?” tanong ni Cedrick dahilan para makotongon siya ni Fire. “Bobo! Syempre, sinabi niya!” Napailing naman ako sa sinabi ni Fire at ngumiti. “No. Wala akong maalala noong makita nila ako. May sugat din ako niyon sa ulo. Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yon pero nagising ako dati niyon na nasa isang hospital at may benda na ang ulo ko pero biglang lumindol kaya lumabas ako ng kuwarto at nakitakbo kasama ang ibang tao. Buti na lang at nakalabas ako nang ligtas,” mahabang paliwanag ko. “Wow. Nagka-amnesia ka, ibig sabihin?” tanong ni Railey na ikinatango ko. “So, paano nga nila nalaman na six years old ka lang kung may amnesia ka naman pala niyon? Ang galing naman,” Tanong na naman ni Cedrick. “May suot-suot akong bracelet niyon, halatang bago pa. Nasa harap niyon ang pangalan kong Zhanaira habang nasa likod naman niyon nakaukit ang Happy 6th Birthday kaya nalaman nila,” sagot ko. “Tapos November 19 ang ginawa nilang birthday ko, date 'yon kung kailan nila 'ko napulot,” dugtong ko pa. “Wala ka bang balak hanapin ang biological parents mo?” usisa ni Ice na ikinatigil ko. “I don't have any hints. Hindi ko alam kung saan sila hahanapin. Ni hindi ko alam kung buhay sila o ano,” sagot ko at tipid na ngumiti sa kanila. “Huwag na nating pag-usapan 'yan. Tara na.” Hindi na sila sumagot at naglakad na lang ulit. “Parang gusto ko mag-basketball,” inaantok na sabi ni Fire. Bigla akong na-excite dahil parang gusto ko silang mapanood mag-basketball. “Sige, mag-basketball na lang kayo tapos papanoorin ko kayo!” natutuwang sagot ko at tumingin sa paligid. “Please? Para naman hindi tayo ma-boring!” “Let's go,” pagpayag ni Zack at nanguna agad sa paglakad. Mas lumawak pa ang ngiti ko at sumunod sa kanila. Yes! Baka makita ko silang mag-topless. Joke! Pumasok kami sa gymnasium. Tiningnan ko agad ang buong paligid at napakalaki ng gym! May court sa dulo tapos may space pa dito sa harap na may stage pa, dito siguro ginaganap ang mga events. Medyo napagod ako sa kakalakad dahil sa laki ng gym pero agad din kaming nakarating sa dulo kung nasaan ang court. “Manonood na lang ako sa inyo, dito lang ako.” Nakangiting ako sa kanila at umupo sa bleacher. “Nice, mapapanood mo na kung paano ako kalupit maglaro,” nakangising sabi ni Fire na pinanliitan ko na lang ng mata. “Hambog ka talaga!” Pinaltukan siya ni Cedrick na ikinatawa ko. “Game, game!” sigaw ni Railey at isa-isa nang tinanggal ang butones ng polo niya, gano'n din ang ginawa ng iba. Muntik nang manlaki ang mata ko pero pinigilan ko. Nasa isip ko lang na maghuhubad sila at hindi ko naman hiniling na gawin nila sa harap ko 'yon! Gosh! Magbibilang pa yata ako ng abs ngayon. Joke! Napatingin ako bigla sa katawaan ni Zack nang matanggal niya na ang polo at sando niya. Napalunok ako bigla. Eight abs tapos kitang kita ko pa 'yung v-line niya! Lumipat ang tingin ko sa katawan ni Ice. Napalunok na naman ako. Kayumanggi ang kulay niya at nangingintab ang katawan niya! Shit, six abs. Kita rin v-line! Sinalit-salit ko pa ang tingin ko sa kanilang anim. Hindi naman ako manyak nito, 'di ba? “Drooling?” Napaupo ako nang tuwid at tumikhim. Tiningnan ko si Zack na nakangisi ngayon sa 'kin. “D-Drooling?” utal-utal at gulat na tanong ko. Ngumisi siya at tumango “H-Hindi, a!” mabilis na sagot ko at umiwas ng tingin. Ang lalaki naman kasi ng mga biceps nila! Basta maganda katawan nila! “Okay.” Natawa na lang si Zack kaya mabilis na naman akong napalingon sa kaniya. “What?” nakangiting tanong niya. Dahan-dahan akong umiling at pilit na ngumiti. Shit! First time ko siya marinig na tumawa at makitang nakangiti! Ang guwapo niya ro'n! “Tara na nga! Game na!” Narinig ko agad ang pag-dribble ng bola. Si Railey ang may hawak niyon na agad nag-shoot kahit hindi pa nagsisimula. Ipinatong ko ang siko ko sa hita ko at nangalumbaba habang nakatingin at nanonood sa kanilang anim. Nagkampihan sila. Sina Zack, Raiven at Railey ang magkakampi, kalaban nila sina Cedrick, Fire and Ice. “Gago, masakit!” malakas na sigaw ni Raiven nang sadyaIng patamaan ni Railey ng bola ang mukha niya. “Ay sorry, sinadya!” natatawang sigaw pabalik ni Railey. Ipinasa na lang ni Raiven ang bola kay Zack. Agad niyang itinakbo ang bola at idinribble ito. Sinubukang agawin nila Cedrick at Fire 'yon pero nakaiwas agad siya. Napatayo ako nang bigla siyang tumalon at shinoot ang bola. Three points shooter ang kuya n'yo! Nakuha ni Ice ang bola, sinubukan ding agawin sa kaniya 'yon pero na-shoot niya pa rin. Nagtuloy-tuloy lang ang laro nila hanggang sila Zack pa rin ang nanalo. Napatayo naman ako nang tumigil na sila at lumakad palapit sa akin. Halatang mga hinihingal kaya sinalubong ko na sila. “May mga tubig ba kayo sa bag?” tanong ko sa kanila. “Oo, meron,” pagod na sagot ni Railey kaya nagmadali akong puntahan ang mga bag nila at kinuha isa-isa ang mga tubig nila. “Oh.” Inabot ko sa kanila ang mga tubig. May sari-sarili na rin silang towel kaya okay na. Pinanood ko na lang silang magpunas ng sarili. “Papunas ako, Zhanaira,” sabi ni Ice at isinampay ang towel sa balikat niya. Agad ko siyang nilapitan at kinuha ang towel. Pinunasan kong maigi ang likod niya hanggang sa matuyo. “Dapat pala hindi na kayo naglaro, may pasok pa tayo,” mahinang sabi ko habang pinupunasan pa rin si Ice. “Ako naman, Zha,” singit ni Raiven, tumango ako at lumapit sa kaniya. “Okay lang naman kami, hot pa rin naman,” sagot ni Fire sa 'kin na ikinataas ng kilay ko. Mahangin talaga! Nag-volunteer na 'kong punasan silang lahat. Huli kong pinunasan si Zack sa likod niya. Ramdam na ramdam ko 'yung init ng katawan niya kaya hindi maiwasan ng puso kong mapabilis ang pakikipagkarera niya. “Okay na. Thank you,” sabi niya kaya tinigilan ko na ang pagpunas. Ako na mismo ang kumuha ng uniform niya at isinuot 'yon sa kaniya pagkatapos niyang magsuot ng sando. Humarap agad sa 'kin si Zack at agad na nangunot ang kilay nang makita ang mukha ko. Ang pangit ko yata! “Where's your handkerchief?” tanong niya na ikinataas ng dalawa kong kilay. “Pardon?” parang tangang tanong ko. “Your handkerchief.” Dahan-dahan akong umiling dahil wala naman akong panyo. Mabilis niyang kinapa ang bulsa ng slacks niya. Nilabas niya ang isang panyong kulay black mula roon. Muntik pa 'kong mapaatras nang punasan niya ang gilid ng mukha ko pababa sa leeg ko. Ang bango ng panyo! Lalaking lalaki. Kakapunas ko kanina, pinagpawisan na pala ako! “K-Kaya ko na,” sabi ko at aagawin na sana ang panyo pero kinunutan niya 'ko ng noo kaya hindi ko na itinuloy. “Kayong dalawa, tara na nga!” sigaw ni Cedrick at kinuha na ang bag niya. “Where's your next class?” tanong ni Zack. “Room 302,”sagot ko at lumayo na sa kaniya. “Let me send you there,” sabi niya at kinuha na ang bag niya kaya kinuha ko na rin ang akin. Lumapit ulit siya sa 'kin at hinawakan na naman ang kamay ko bago hinila. Napatitig na lang ako sa likod niya sabay baba ng tingin sa kamay naming magkahawak. Okay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD