— Zhanaira —
Uwian na nang magkita-kita ulit kami ng anim. Nakita ko agad sila sa labas ng classroom, inaabangan ako.
“OMG! Sinong hinihintay nila sa labas? Ako ba?” tanong ng isa naming kaklaseng babae na ikinangiwi ko.
Asa?
“Siguro si Zhanaira. Siya 'yung kaninang kasama nilang pumasok dito kanina, 'di ba?” sagot ng katabi niya.
Hindi ko na sila pinansin pa at lumabas na lang ng classroom. “Salamat sa paghihintay,” nakangiting bungad ko sa kanila.
“You're not welcome!” sabi ni Fire na ikinasimangot ko. “Just kidding.” Tumawa siya na lalo kong ikinasimangot.
“Huwag mong pansinin 'yang si Fire,” natatawang sabi ni Railey na ikinatango ko na lang.
“Inaaway ka na naman ni Fire?” tanong naman ni Ice at inakbayan ako. “Tara na,” 'aya niya sa iba saka niya ako tinangay.
“Kailangan talaga nakaakbay, dude?” natatawa namang tanong ni Cedrick habang sumasabay sa paglakad namin.
“Lumayo ka nga!” mukhang inis na sabi ni Raiven at tinulak-tulak pa si Ice dahilan para sa 'kin tumama si Ice.
“A-Aray! Hoy Raiven!” reklamo ko at muntik pa 'kong matumba dahil sa lakas ng tulak niya kay Ice, buti na lang at may humawak agad sa 'kin.
“Stop it, Ven!” Napatingin agad ako kay Zack na siyang may hawak pala sa 'kin. “Also you, Ice. Stay away,” dugtong niya pa habang nakakunot ang noo.
Napa-tsk na lang si Ice at tinanggal na ang pagkakaakbay sa 'kin.
“'Yan kasi!” Tinawanan siya nina Fire, Cedrick at Railey na ikinatawa ko na lang din.
“Kasama na naman nila 'yung girl.”
“Sino ba kasi talaga 'yan?”
“Mukhang malandi.”
Napayuko ako at kinagat ang labi ko. Grabe, hindi ko alam na marami palang bubuyog sa University na 'to.
Sumakay kami agad sa sasakyan nang makarating na kami sa parking lot. Katabi ko na naman si Zack.
“Gusto n'yo mag-movie marathon mamaya pag-uwi?” Si Raive na nasa harap ay lumingon pa sa amin para itanong 'yon.
“Oo, yes!” pasigaw na sang-ayon ni Fire.
“Sige ba!” sigaw rin ni Cedrick hanggang sa sumang-ayon na silang lahat.
“Hindi ako makakasama sa inyo,” singit ko na ikinatigil nilang lahat sa pagsasaya at napatingin sa 'kin.
“Why?” halos sabay-sabay na tanong nila.
Napahagod ako sa buhok ko at nahihiyang ngumiti. “May trabaho kasi ako mamayang six,” sagot ko na ikinataas ng mga kilay nila maliban kay Ice dahil alam niya na.
“Trabaho?” tanong ni Zack na ikinatango ko.
“Nagtatrabaho ka?” gulat na tanong ni Raiven na ikinatango ko naman.
“Oo, e kaya hindi ako makakasama sa pagmo-movie marathon n'yo.”
“Wait, pwede namang huwag ka namagtraba—”
“Hindi, gusto ko magtrabaho,” agad na putol ko sa sinasabi ni Zack. “Hayaan n'yo na 'ko,” nakangiting dugtong ko pa. Tumango na lang sila at hindi na nagsalita pa.
Pagkarating sa mansion ay dimiretso agad ako sa kwarto para maligo. Nagbihis lang ako ng jeans at plain v-neck blue shirt at kumuha ng maliit na bag bago lumabas.
“Aalis ka na?”
“Anak ng!” napasigaw ako sa gulat at muntik pang umatras pabalik sa kuwarto ko nang makita ko si Zack sa labas. “Bakit ka nanggugulat?” agad na tanong ko nang maka-recover ako.
“Gulat ka na niyon?” taas kilay na tanong niya. Hindi ako sumagot at sinara na ang pinto ng kuwarto ko. “Do you want me to send you to your work place?”
Agad akong umiling. “No. Huwag na,” sagot ko at ngumiti. “Bakit ka pala nandiyan?” kunot-noong tanong ko at umayos ng tayo.
“Here.” Napatingin ako sa kamay niya nang may inaabot siya sa 'kin. “Get it, Zhanaira,” parang naiinip nang sabi niya kaya agad kong kinuha ang box na hawak niya.
“Ano 'to?” kunot-noo pa ring tanong ko at tiningnan siya.
“Look for it,” masungit na sagot niya kaya ginawa ko na lang.
Tiningnan kong mabuti ang box at doon ko lang na-realize kung ano 'to. “Iphone?” Nanlaki ang mata ko at tiningnan ulit siya. Tinanguan niya 'ko pero agad akong umiling at inabot ulit sa kaniya 'yon.
“Z-Zack, h-hindi mo naman na 'ko kailangan bigyan niyan,” nauutal na sabi ko dahil sa hiya pero hindi niya kinuha ang box.
“That is for you. Don't reject it,” walang ganang sagot niya at tinulak pa ang kamay ko pabalik sa 'kin.
Wala na akong nagawa kun'di buksan ang box. Kinuha ko ang cellphone na nasa loob at tiningnan 'tong maigi.
“That's already settled. Our numbers are also there. I also installed applications for you.”
Napangiti na lang ako at agad na lumapit sa kaniya. Dahan-dahan at parang nag-slow motion ang lahat nang niyakap ko siya nang marahan.
“Thank you...” mahinang sambit ko at pumikit. “Ang dami mo nang naitulong sa 'kin. Hindi ko na alam kung paano kita pasasalamatan at mababawian.” Ngumiti ako nang malapad at mas lalong napangiti sa amoy niyang napakabango.
He's really kind. Kahit ganiyan siya ka-cold or kasungit, mabait pa rin siya.
Parang nanigas pa si Zack sa ginawa ko at hindi agad nakakilos. Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang isa niyang kamay sa likod ko at ang paghagod ng isa niya pang kamay sa buhok ko.
“You are always welcome.”
“H-Hoy! Ano 'yan, ha?”
Mabilis pa sa alas kuwatro kaming napahiwalay ni Zack sa isa't isa nang may sumigaw.
Napalingon kami pareho sa gilid. Si Railey 'yon na nanlalaki ang mata na nakatingin sa 'min ni Zack habang nakaturo sa amin. “Anong ginagawa n'yo, ha? Siguro—”
Napatigil siya sa pagsasalita nang mabilis na lumapit si Zack sa kaniya at pinitik ang noo niya. “Ang dami mong sinasabi,” sabi niya at nilagpasan na si Railey bago lumakad palayo sa amin.
“f**k it!” daing ni Railey at napahawak pa sa noo niya. “Hoy, Zhanaira? Ano 'yon?” tanong naman niya sa 'kin.
Nagkibit balikat ako. “Just a thank you gesture.”
*****
Inutusan ulit ni Ice si Kuya Danilo para ihatid ako sa Kings Restaurant kaya nakarating agad ako roon.
Maraming customers agad ang nasa loob pagkarating ko kaya nagmadali ako sa pagsuot ng proper uniform at pumuntang kitchen.
“Uy, Zhanaira! Nakabalik ka na pala?”
“Buti naman nakapasok ka pa?”
“Kinabahan kami sa 'yo, akala namin matatanggal ka na dahil isang linggo kang nawala.”
“Ano ba kasing nangyari sa 'yo?”
Napangiti na lang ako sa bungad ng mga katrabaho ko. “Mahabang kuwento po, magtrabaho muna tayo.” Tumango na lang sila at bumalik sa mga trabaho kaya nagtrabaho na rin ako.
“Lily!” sigaw ni chef at naghanap pa ng ibang waiter pero wala nang natira rito.
Sobrang dami siguro ng customers sa labas.
“Zhanaira, ikaw na nga lang magbigay nito sa table fifty-three,” utos niya sa 'kin na ikinatango ko na lang at kinuha ang tray.
Lumabas ako at hinanap agad ang table. “Here's your order, ma'am, sir,” nakangiting sabi ko at inilapag ang tray.
Tumunog ang bell ng pinto kaya napatingin ako sa pumasok. Nakatalikod siya at agad na naglakad. Naisipan kong ako na lang muna kumuha ng order niya para diretso na kaya sinundan ko siya. Nang makaupo na siya ay agad akong nagtanong.
“Hi sir, what's your—” Napatigil agad ako sa pagsasalita nang makita ko ang mukha niya. “Ace?” napapakurap ang matang tanong ko.
“You again...” walang ganang sabi niya at pinasadahan ako ng tingin. “So you are a working student, ha.”
Obvious ba?
“Your order?” tanong ko na lang.
“Water.”
Napatanga ako sa sinagot niya at tinitigan pa siya. “Water?” Seriously? “Seryoso ka diyan, Ace?” tanong ko.
“I'm serious.” Nagtaas siya ng kilay. Napabuga na lang ako sa hangin at tumango. “Faster.”
Wala na akong nagawa kun'di talikuran siya at kumuha ng tubig. Binalikan ko agad siya at nilapag ang baso ng tubig sa table niya.
“Good. Now, sit,” utos niya na ikinataas na naman ng kilay ko. “I said, sit.”
Napakamot na lang ako sa ulo at umupo sa upuan sa harap niya.
“What's your full name?” tanong niya at uminom ng tubig.
Sumandal ako at sumagot, “Lady Zhanaira Shin.”
Tumaas ang kilay niya at tumango-tango. “I'm King Ace Lacosta, son of the owner and soon to be owner of this restaurant.”
“H-Ha?” Napangiwi ako at naiwang nakanganga ang bibig. “Seryoso ka ulit diyan?” nanlalaki matang tanong ko.
“Do I look joking, Zhanaira?” seryosong tanong niya.
Napalunok na lang ako. “Sorry, sir.”
Natawa siya at ngumisi. “It's okay,” sabi niya at nangalumbaba saka tumingin sa labas. “So, sa kanila ka ba nakatira?” panibagong tanong niya na hindi nakatingin sa 'kin.
Mukhang tinutukoy niya ang anim.
“Yes,” tipid na sagot ko at tumingin na rin sa labas. “Wala ka na bang tanong? Can I go back to my work?” tanong ko naman.
Agad siyang napalingon sa 'kin. “No. Dito ka lang muna.”
Tumaas ang kilay ko at tumango na lang. “Bakit pala parang ngayon lang kita nakita rito?” tanong ko sa kaniya dahil kahit isang beses ay hindi ko pa siya nakikita rito noon.
“Hindi naman talaga ako pumupunta rito. You know, laziness is attacking me.” Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. “You looked familiar to me.” Tumaas pa lalo ang kilay ko.
Tumingin siya sa 'kin habang nakapangalumbaba kaya tumikhim muna ako bago nagsalita. “Talaga?” tanong ko na lang.
Tumango-tango siya. “Nevermind,” usal niya at tumayo na. “I gotta go, thanks for your time,” nakangiting paalam niya na ikinatango ko na lang. “Bye!”
“Bye!” Tumayo na rin ako at ngumiti sa kaniya.
Sumenyas lang siya na aalis na siya kaya tumango na naman ako hanggang sa lumakad na siya palayo sa 'kin.
Ang lakas ng amats. Nagpunta rito para sa tubig. Wow, lazy pa pala siya niyon.