Chapter Nine

1282 Words
— Zhanaira — “Bes, uuwi ka na?” tanong sa 'kin ni Yuri nang makita niyang nag-aayos na ako ng sarili ko. “Oo, bakit?” sagot at tanong ko rin, saka kinuha ang maliit kong bag. “Sorry, hindi kita mahahatid ngayon. Mamaya pa kasi ako makakauwi, may mga—” “Okay lang, 'no! Kaya ko naman tsaka may sundo naman ako sa labas,” nakangiting sagot ko. Napatango na lang siya. “Next time na lang, take care!” sabi niya at agad akong niyakap. “Sige na, umuwi ka na. Gabing-gabi na, o.” “Sige, bye. Ingat ka rin pag-uwi mo,” paalam ko. Tinalikuran ko na siya at agad na naglakad palabas ng restaurant. Hinanap ko ang Ferrari na laging dala ni Kuya Danilo sa parking pero wala naman. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. 11:08 pm na. Nasaan na kaya 'yon? It-turn off ko na sana ang phone nang biglang may nagpop-up na message ro'n. From: Zack Kuya Danilo is coming, wait him okay? Napatango na lang ako at itinago ang cellphone. Umupo muna ako sa gilid ng parking at naghintay. Ilang minuto na ang nagdaan ay wala pa ring dumadating na Kuya Danilo. Bukas pa rin ang restaurant dahil nasa loob pa si Yuri. Ano ba 'yan? Nilalamig na ako rito. Mag-tricycle na lang kaya ako? Malapit lang naman sa mansion 'to, e. Hindi ko naman puwedeng istorbohin si Yuri ngayon. Tumayo ako para ayun na nga ang gawin. Chineck ko kuna ang phone ko at wala naman akong load kaya magta-tricycle na nga lang talaga ako. Naglakad-lakad ako para maghanap ng tricycle. Medyo malayo na ako sa resto at sobrang dilim na. Medyo kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Napakapit ako nang mahigpit sa bag ko. Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa 'kin kaya naglikit ang paningin ko, hinahanap kung nasaan sila. Sa sobrang dilim, nalalabuan ako sa paligid. “Witwew.” “Chix, brad.” “Jackpot. Swerte natin.” Nanlalaki mata at mabilis ang hininga akong napalingon sa likod at agad na napaatras nang makita ko ang tatlong lalaking nakatayo roon at nakatingin sa 'kin. Mukhang kasing edad lang sila nila Zack at mukhang mga gangster din. Lumakas ang t***k ng puso ko at hindi agad nakapagsalita. “Miss, mag-isa ka lang?” tanong ng isa at tumingin sa paligid. “M-May kasama ako,” pagsisinungaling ko na lalo nilang ikinangisi. “Hinihintay niya na 'ko,” dugtong ko pa at tinalikuran na sila. Mabilis ang naging paghakbang ko pero agad ding napatalon sa gulat nang may humawak sa braso ko. “Wait lang, miss ganda.” Kinilabutan ako at pinilit bawiin ang braso ko pero naging dalawa na silang humawak sa 'kin. “A-Ano ba? Bitiwan n'yo nga ako!” sigaw ko at nagpumiglas. Sinubukan kong kumawala sa mga hawak nila pero sobrang higpit ng mga ito at nasasaktan na ako. Shit, hindi na dapat ako umalis doon! “Huwag kang maingay!” inis na sabi ng isang lalaking pumunta sa harap ko at pinasadahan ako ng tingin. “Sexy mo, ha.” What the? “Tigilan n'yo 'ko, mga bastos!” sigaw ko at agad siyang sinipa sa ari niya at siniko pareho ang may hawak sa 'kin. Kinuha ko ang oras na 'yon para mabilis na tumakbo palayo sa kanila. Dapat pala talaga ay hindi na ako umalis sa resto. Baka na-late lang si Kuya Danilo, pero mga thirty minutes na ay wala pa rin kasi siya, e. Natatakot ako. Ayoko ng ganito. Wala naman akong kalaban-laban sa kanila. Panay ang tingin ko sa paligid at humahagilap ng tao pero wala nang ibang dumadaan dito. “Saan ka pupunta? Hindi pa kami tapos sa 'yo!” Napatili ako nang may humila sa buhok ko pero may agad ding nagtakip ng kamay sa bibig ko na nagpatahimik sa 'kin. Agad akong nagpumiglas. Binitiwan niya ang buhok ko at pinulupot ang braso sa tiyan ko saka ako kinaladkad. Nagpumiglas pa ako nang nagpumiglas at siniko-siko siya. Naiiyak na 'ko! Ayoko talaga ng ganito! “'Tang ina, hawakan n'yo nga! Ang likot!” Inis na sabi ng may hawak sa 'kin at pinasa ako sa dalawa niyang kasama. “Malikot ka, ha!” Napapikit ako nang mariin at nakaramdam ng panghihina matapos niya akong sikmuraan. Napayuko ako at muntik na mamilipit. Para akong tinakasan ng lakas dahilan para mabuhat nila ako na parang sako. Wala man lang bang dadaan sa lugar na 'to at tulungan ako? Damn, I need help. “Dito! Dito!” Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay nakita ko pa rin kung saan kami papunta. Sa damuhan medyo malapit sa kalsada. Todo-todong kaba ang naramdaman ko lalo na't alam kong wala na akong laban. Napadaing ako lalo nang walang ingat nila akong ibinaba. “Saglit lang naman 'to, miss. Huwag ka nang maarte,” sabi ng isa saka sila nagsitawa nang nakakaloko. Napaiyak na lang ako at niyakap ang sarili ko. Pinilit ko ring tumayo pero inupuan na agad ako ng isang lalaki. Napaiyak ako lalo at sinuntok-suntok siya pero wala ring saysay dahil sa sobrang hina. “P-Pakawalan n'yo 'ko! A-Ang babastos n'yo!” umiiyak na sabi ko at tinulak-tulak ang umupo sa tiyan ko. “Amin ka ngayon!” Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang makitang naghuhubad na sila. Tuluyang nanlabo ang paningin ko at nanalangin na sana may tumulong sa 'kin. Please, someone save me. Bakit ba kasi nangyayari sa 'kin 'to? Napakamalas naman! Hinawakan ng lalaking nakapatong sa 'kin ang dalawa kong wrist at itinaas 'yon sa uluhan ko kaya mas lalo akong nagpumiglas. “Ah! Tama na! T-Tigilan n-n'yo na 'ko!” umiiyak na pakiusap ko nang simulan niyang amoy-amoyin ang leeg ko. “Shh, huwag kang—” “You are not allowed to touch her, jerk!” Nanlaki ang mata ko sa sunod na pangyayari nang biglang tumalsik ang lalaking nakapatong sa 'kin kanina. “Hoy, gago? Sino ka?” Agad akong umupo at dahan-dahang umatras. Niyakap ko ang sarili ko at tiningnan sila pero nanlalabo na ang paningin ko at hindi ko na sila masyadong maaninag. Isa lang ang alam ko, apat na sila. May bagong dumating. “Her boyfriend, so back off,” sagot ng lalaking bagong dating hanggang sa naaninag kong nagsusuntukan na sila. Medyo pamilyar ang boses niya... Sino siya? “Epal ang puta!” inis na sigaw ng isa at nakipagsuntukan. Pumikit na lang ako nang mariin at hinintay na matapos ang away nila. Hindi na kasi ako makatayo, nanginginig ang buong sistema ko dahil sa nangyayari. “Zhazha...” Napadilat ako nang may humawak sa dalawa kong pisngi. Siya 'yung bagong dating at nagligtas sa 'kin, sigurado ako ro'n pero hindi ko maaninag nang maayos ang mukha niya. “Zhazha, shh... I'm here.” Nanginig ang labi ko at hindi nakapagsalita. Kilala niya ako? At anong Zhazha? Napayakap na lang ako sa kaniya nang mahigpit matapos kumirot na naman ng ulo ko. Niyakap niya rin ako pabalik at inayos ang buhok ko. “Okay na, wala na sila. Please, stop crying...” “T-Thank you...” garalgal ang boses na sagot ko at mas yumakap pa sa kaniya. “I'm just here, okay? No need to be afraid. Wala na, wala na. Shh...” pagpapatahan niya sa 'kin at hinagod-hagod pa ang likod ko. “Let me bring you to hospital.” Marahan niya akong tinulak palayo sa kaniya at hinawakan ako sa braso. Tumango-tango ako sa kaniya. Agad niya naman akong binuhat nang pa-bridal style. Sinubukan kong linawan ang paningin ko para makita ang mukha niya pero malabo talaga. Sino ba siya? “W-Who are you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD