Chapter Ten

1632 Words
— Zhanaira — Naalimpungatan akong may nagpupunas sa braso't kamay ko kaya agad akong napadilat. Umiikot pa ang paningin ko kaya sinanay ko muna ang mata ko sa liwanag at tiningnan kung sinong nagpupunas sa 'kin. “Z-Zack...” Paos ang boses ko na mediyo kinagulat ko pa. “Are you okay?” agad na tanong niya at tinapos na ang pagpupunas ng basang towel sa braso ko. Agad niyang hinagod ang buhok ko at tumingin sa 'kin. “What happened to you?” he asked. Hindi agad ako nakasagot at tumingin na lang sa paligid. Puro puti na naman, nasa hospital na naman ako. Hinanap ko ang lima pa pero wala sila rito kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Zack. “Nasaan sila?” tanong ko at dahan-dahang umupo. “Kakalabas lang nila. Mamaya ay babalik na ang mga 'yon,” sagot niya at hinawakan ako sa braso para alalayan ako. “Zhanaira, what happened?” Ano nga ba'ng nangyari? “Someone called us and he said you're here. Why are you here?” kunot noong tanong na naman niya. Someone called them... “M-Muntik na 'kong ma... ma-rape.” Nanginig na naman ang labi ko nang maalala ko ang nangyari. “N-Natatakot ako, Zack,” nanginginig ang boses na dugtong ko at tiningnan siya. “What the... fuck.” Parang hindi maipinta ang mukha niya nang makita ko siya. “Shh, I'm here...” Lumapit pa siya lalo sa 'kin. Agad akong yumakap sa baywang niya nang mahigpit. “Someone saved me, hindi ko siya nakilala but he looked familiar. Nakita n'yo ba siya pagkarating n'yo rito?” tanong ko at pumikit habang nakayakap pa rin sa kaniya. Parang napakasarap sa pakiramdam na yumakap sa kaniya ngayon. Nawawala ang kaba at takot sa puso ko kaya hindi muna ako bumitiw. “No. Wala na siya pagdating namin.” Napatango na lang ako sa sagot niya. “Mukhang kilala ka niya, he knows your name.” Agad akong napahiwalay sa kaniya at nagtataka siyang tiningnan. “H-Ha?” “Naibigay niya na ang name mo sa nurse bago pa kami makarating dito. Are you sure you don't know him?” Umiling-iling ako. Zhazha... Zhazha ang binanggit niyang pangalan ko. Parang nickname 'yon, hindi ba? Who is he? “Zack— Uy, Zhanaira!” Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas 'yon at may sumigaw. Ang lima na bagong dating lang. May mga dala silang plastic and paper bags. Agad nilang nilapag isa-isa ang mga 'yon at lumapit sa amin. “What happened to you?” nag-aalalang tanong ni Ice sa 'kin. “Bakit nandito ka?” tanong naman ni Raiven. “She almost got r***d, she said.” Si Zack na ang sumagot para sa akin. Napatingin agad sila sa kaniya habang nanlalaki pa ang mga mata nila. “Find the bastards who did this to her and make them pay. Also find the person who brought her here,” utos ni Zack sa kanila. “Yes, sir,” sagot ni Fire at napatingin sa akin. “Natatakot ka pa rin ba?” Lumapit pa sila lalo sa 'kin at umupo sa kama. “Shh, huwag kang mag-alala. Nandito na kami,” sabi naman ni Cedrick na ikinatango ko. “Huwag ka na lang kaya magtrabaho kung gabi ka lang din naman pala makakauwi?” suhestiyon ni Raiven na agad 'kong ikinailing. “Tingnan mo naman nangyari sa 'yo, Zha,” sabi naman ni Railey. Zhazha... Nang marinig kong tinawag akong Zha ni Railey ay narinig ko na naman ang boses ng lalaking 'yon na tinawag akong Zhazha. Sino nga ba siya? Pero siguradong hindi si Railey 'yon kahit tinawag niya akong Zha. Ibang iba ang boses nila. “Okay lang. Gusto ko pa rin magtrabaho,” sagot ko sa kanila. Nagkatinginan na lang sila at napabuntong hininga. “Sorry, hindi ko lang nahintay si Kuya Danilo. Sobrang tagal niya kasi, e,” dugtong ko pa. “Na-flat daw 'yung sasakyan, sabi ni Kuya Danilo, wala rin siyang cellphone. Tapos, malayo pa raw ang vulcanizing kaya natagalan siya,” paliwanag ni Ice. “Sorry for what happened. Kung alam lang namin na gano'n pala nangyari kay Kuya Danilo, kami na sana ang sumundo sa 'yo.” Umiling-iling ako sa kanila. “Okay lang,” sagot ko at ngumiti sa kanila. Lesson learned, matutong maghintay. ***** “Tahimik mo, ah.” “Hoy!” “Zhanaira!” Napakurap-kurap ako nang may biglang yumugyog sa 'kin. Napatingin ako sa anim at lahat sila nakatingin na pala sa 'kin. “B-Bakit?” mahinang tanong ko. Nakauwi na kami sa mansion. Nagpa-discharge agad ako dahil ayokong mag-stay sa hospital at madadagdagan pa ang hospital bills. “Kanina ka pa namin tinatawag,” natatawang sabi ni Raiven. “Ano bang iniisip mo diyan? Tulala ka,” tanong naman ni Ice. Napabuntong hininga na lang ako. Iniisip ko 'yung lalaking tumulong sa 'kin. Parang kilala niya kasi talaga ako, e. Who is he? Bakit hindi niya man lang ako hinintay na magising para makilala ko siya at makapagpasalamat ako? Hay nako naman. “Tingnan mo, tulala ka na naman.” Napatingin na naman ako sa kanila at agad na umiling. “May problema ba?” tanong ni Raiven na ikinailing ko ulit. “You are thinking about him, aren't you?” Napatingin naman ako kay Zack na seryoso lang na nakaupo sa harap ko. Napatango ako dahil tama naman siya. “Sorry, parang gusto ko lang siya makilala,” mahinang sagot ko. “It's okay,” sagot ni Zack at tumango. “Take a rest now, Zhanaira,” sabi niya na ikinailing ko. “It's already two am.” “Ang haba ng natulog ko, hindi pa 'ko inaantok, e,” sagot ko. “Kukuwento ko na lang 'yung nangyari sa 'kin noong nakita niyo 'kong may saksak,” nakangiting sabi ko dahil mukhang ready na akong magsabi. “Ready?” taas kilay na tanong ni Cedrick na ikinatango ko. “Go ahead, we will listen.” Tumango-tango ako at nagsimulang nagkuwento. Tahimik lang sila habang nagkukuwento ako kaya naging tuloy-tuloy ang pagkuwento ko. Kitang-kita ko rin kung paano nagbabago ang reaksyon nila sa bawat sinasabi ko. Mula sa kalmado ay dahan-dahang kumukunot at nagsasalubong ang mga kilay nila. Nagkakatinginan pa silang anim at napapailing sa sinapit ko. “Hayop naman pala 'yung mga kumupkop sa 'yo, e,” kunot noong komento ni Raiven nang matapos ako. “Kasuhan natin, Zha?” tanong ni Railey. Napapikit ako nang mariin matapos kumirot na naman ang ulo ko. Damn. Zhazha... Na naman. “Railey, puwede bang huwag mo na 'kong tawagin na Zha? Zhanaira na lang,” pakiusap ko kay Railey na pare-parehong ikinakunot ng noo nila. “Bakit naman?” tanong niya pero hindi ko na siya sinagot. “Okay sige, sorry.” Tumango na lang ako at ngumiti. Napatingin naman ako kay Zack na tahimik lang na nakikinig sa 'min. Parang hindi pa nga siya nagulat sa mga sinabi ko kanina. “No comment, Zack?” natatawang tanong ni Fire sa kaniya. Ngumisi lang si Zack at umiling-iling. “I knew it. All about the story.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “I investigated about you and what happened to you.” W-What? “La? Kapal ng face mo. Hindi ka man lang nag-share,” nakasimangot na sambit ni Cedrick. “E'di sana nalaman namin nang maaga!” Tumaas lang ang kilay ni Zack at tumingin ulit sa 'kin. “We will file a case to the person who stabbed you once her daughter discharge from the hospital,” anunsyo niya habang nakatitig sa mga mata ko. Napangiti ako at tumango-tango sa kaniya. “Maraming salamat,” masayang sagot ko dahil alam kong tutulungan nila 'kong mapakulong si tito. Kulang pa ang maraming salamat para sa lahat ng ginagawa ni Zack para sa akin. He was really a kind person. I'm so blessed to meet a guy like him. Sumandal ako sa upuan ko at tiningnan silang anim. Nagkukulitan na naman sila Fire, Cedrick and Railey, habang nagc-cellphone na sina Ice at Raiven. Si Zack naman ay nakatingin lang sa 'kin na ikinailang ko. Hanggang kailan kaya ako puwedeng tumira rito sa mansion nila kasama sila? Hanggang kailan kaya sila magiging mabait sa 'kin? Hmm, parang ayoko nang umalis. “Oo nga pala, may tanong ako,” biglang sabi ko dahilan para mapatingin silang anim sa 'kin. “Magkaano-ano kayo? Matagal ko na kasing gusto malaman kung anong koneksyon n'yong anim at sa iisang mansion lang kayo nakatira.” Nagkatinginan silang anim at hindi agad nakasagot kaya mediyo tumaas ang kilay ko. “Kami, maliban kay Zack, ay mga orphan child before.” Unti-unting nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sagot ni Ice. Natahimik ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. “Zack convinced his father to adopt us. We are all five years old back then. They gave us food, personal things, and needs, even education. All the things and money we have are from his father. His father decided to let us live under one roof when we were at the age of sixteen,” Ice explained. “If it is not because of Zack, we are not here in front of you,” gatong ni Raiven. Napalingon ako bigla kay Zack at napatitig sa kaniya. You are really that kind, ha. “Don't stare, you might fall.” Napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni Zack habang nakangisi pa siya sa 'kin. I might fall daw? Utot niya. Na-amaze lang ako kasi gano'n pala siya kabait kahit na five years old lang siya noon. Mabait ang daddy niya kaya siguro gano'n din siya. Napatingin kaming lahat kay Ice nang magsalita. “Zack, your goddamn ex is back.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD