— Zhanaira — “Zhanaira? Hoy! Kanina pa kita kinakalabit!” Bigla akong napalingon kay Yuri matapos niya akong biglang yugyugin. “Bakit ba?” mahinang tanong ko at bumuga ng hangin. “Ano na namang iniisip mo? Kanina ka pa tahimik at tulala, ha,” tanong niya at tinaasan ako ng kilay. “Zack, your goddman ex is back.” Ang sinabi ni Ice kaninang madaling araw ang inaalala ko. Inabot niya ang phone niya kay Zack at agad naman 'yong tiningnan ni Zack. Wala siyang naging reaksyon at ibinalik lang kay Ice ang cellphone bago tumingin sa 'kin. Sino siya? Gusto ko sanang magtanong kung sino 'yung ex niya pero nahiya ako. Kinikiliti talaga ako ng mga bulate ko sa ulo at puso na tanungin kung sinong ex niya pero pinigilan ko na ang sarili ko dahil baka ma-misinterpret nila 'ko. “'Ta'mo, tulala ka

