[CHAPTER 42] ◌●◌ DALI-DALI ANG pagtakbo ni Francine patungo sa direksyon kung saan naroon ang kwarto ni Chaos. Gusto niyang malaman ang kalagayan ng binata. Ilang araw niya na itong iniisip dahil sa matinding pag-aalala. Hindi niya rin maiwasang huwag sisihin ang sarili. Tila ba, kahit wala siya nang mangyari ang insidente ay siya pa rin ang mitsa para malasin ang mga dela Vega. Alam niya kung nasaan ang kwarto nito dahil katapat lang daw ng silid na tinutuluyan niya ayon kay Diezel. Binuksan ni Francine ang pinto. Hindi niya na naisipang kumatok pa dahil sa bugso ng kanyang damdamin. Ang akala niya rin kase ay nasa loob lamang si Diezel at ang mga bata. Ngunit gano'n na lamang ang pag-awang ng labi niya dahil sa nabungarang eksena. Hubad-baro ang binata at nakaharap sa salamin. Pa

