[CHAPTER 41] ◌●◌ "CHAOS BALIK na!" paulit-ulit na tawag ng boses sa kanya. Hindi madilat ni Chaos ang mga mata. Ayaw niyang sabihin kay Mr. Suldaga na napanaginipan na naman niya ang nangyari noong mga panahong nagaganap ang pagpapasa sa kanya ng napakabigat na tungkulin sa murang edad. Nang panahong ding iyon ay tinalikuran niya ang mga magulang na mas pinili ang kapangyarihan kumpara sa anak nila. "Sa wakas!" saad ni Mr. Suldaga nang piliin niyang imulat na. Sa una'y, nasilaw sa matinding liwanag ang binata. Nagmumula iyon sa liwanag ng bintana na nasa kaliwa niya. Naging blurred ang kanyang paningin hanggang sa bumungad sa kanya ang nag-aalalang boses ng matandang Suldaga. "Nanaginip ka pa rin?" nag-aalala nitong tanong. "Kailan ka kaya mapapalaya ng nakaraan mo?" Nakatitig

