[CHAPTER 40] ◌●◌ NAPAKALAYO NG itinatakbo ng isipan ng dalaga habang nakatanaw sa labas ng bintana. Limang araw na ang nakakalipas ngunit hindi niya magawang harapin ang mga tao sa labas ng kanyang kwarto. Hindi alam ni Francine kung papaano siya makikitungo sa mga ito pagkatapos ng mga nangyari. Pakiramdam ng dalaga'y kasalanan niya ang lahat kung bakit nadadamay ang iba sa problema nila ng kanyang abuelo. Natagpuan na lang ni Francine ang sarili na nakatanaw sa papalubog na araw sa bintana ng kanyang silid. Maikukumpara niya ang sarili sa tanawin ngayon. Habang kumakalat ang dilim ay nauubusan siya ng pag-asa na makikita ang kinabukasan niya. Tila mali ang lahat. Wala ng tamang nangyayari sa buhay niya. Pakiramdam niya, kahit siya mismo ay malaking pagkakamali. Maling-mali na nagi

