[CHAPTER 39] ◌●◌ "HINDI AKO. Sila ang nagpalit nito..." paliwanag ni Chaos nang natataranta. Paniguradong magkakasabwat ang tatlo. Si Ace ang may kakayahang mang-hack ng cellphone. Siguradong si Brent ang nag-search ng kanta at nag-download. Habang si Diezel naman ang pumili ng ilalagay. "Diezel!" naiinis niyang bungad sa bunso ng mga Dela Vega habang hawak ang sentido nang masagot ang tawag nito. Hindi na talaga siya nilulubayan ng kunsumisyon. "Pinakialaman niyo na naman ang cellphone ko?" "Chaos! Ahhh! Dahan-dahan sa pagpapatakbo, Brent! Ay bala—aah!" Kaagad na inilayo ni Chaos ang cellphone sa taynga dahil sa nakakatuliling sigaw ni Diezel. “Bakit ka sumisigaw?” "Hinahabol kami ng bala! Kuha kang tubig sa dagat. Kailangan ni Birdie ng tubig!" "Ano bang nangyayari?" nagtat

