[CHAPTER 14] ◌●◌ NAPAKATAGAL BAGO sila nakakilos sa kinauupuan kanina. Ilang oras silang nakatingin sa kawalan. Nakatitig lamang silang dalawa ni Ace kay Diezel at Chaos na naagapan ng doktor. Ganoon na lang ang takot ni Brent nang malamang may lason ang balang tumama sa dalawa. Sa tagiliran tinamaan si Diezel kaya napakabilis ng pag-akyat ng lason sa puso nito. Panandaliang huminto iyon sa pagtibok. Bumalik lamang nang gamitan ito ng defibrillators na ginagamit upang mag-revive ng pasyente. Tinurukan din kaagad ng antidote si Diezel at Chaos nang maipadala iyon ng Foix. Nakahinga lang siya nang maluwag noong kinakabitan na ng IV or intravenous fluid ang dalawa. Ginagamit ang IV upang mas mabilis ang pagpasok ng gamot sa isang tao. Nakakatulong din iyon sa mga na-poison, dehydrati

